Chapter 8 - TRAUMATIZING

4 2 0
                                    

Ibinalik ko ang kariton atsaka nagpunta kung nasaan ang chimera.

Buong katawan ko ay nanginginig at hindi ko alam kung ako ba ang unang makakain nila imbes na ang tunay nilang kakainin.

"Paano ko ba ito gagawin?" Tanong ko saaking sarili.

"Hello! Chimera!" Malakas kong sabi. Paglingon nilang tatlo saakin ay muntik na akong mapaluhod dahil sa panghihina ng mga tuhod ko.

"Nandoon yung pagkain niyo!" Malakas ko ulit na sabi habang nakaturo kung nasaan yung mga bangkay.

Tinignan nila akong tatlo ng ilang segundo hanggang sa nagtinginan silang tatlo atsaka pinalibutan ako.

"Ahhhh!! Lord!!" Sigaw ko sa takot.

"Y-y-yung pa-p-pagkain niyo nando-on." Utal at nanginginig kong turo ngunit hindi pa rin sila gumalaw.

At dahil wala na akong maisip na ibang paraan, tinuro ko silang tatlo atsaka umakto na parang kumakain at itinuro kung nasaan yung mga bangkay.

"Lord!!" Malakas kong sabi at pumikit ng sobrang diin nang lumapit sila saakin. Ngayon ay ramdam na ramdam ko ang kanilang hininga.

Binuksan ko ng dahan-dahan ang aking mga mata nang maramdaman kong umalis na sila saakin na nakapalibot. Nakita ko sioang nakatayo sa gilid at mukhang nag aantay na mauna ako.

"Salamat." Pagyuko ko sakanila dahil hindi nila ako kinain. Naglakad ako papunta sa labas at nang humarap ako saaking likod ay wala na sila.

Nasaan na sila?

"Aish!!" Malakas kong sabi dahil sa gulat nang bumaba sila saaking harapan. Gumalaw pa ang lupang kinatatayuan ko, mabuti na lamang ay napahawak ako agad sa may puno.

Naubos nila ito ng mas mabilis sa sinabi kong oras. Tumingin silang lahat saakin kaya ako yumuko.... hindi ko rin alam kung bakit ako yumuko. Nagkaroon ng malakas na hangin nang lumipad sila pabalik sa kinaroroonan nila kanina.

Ginawa ko kaagad ang sunod na sinabi ni Rein at sinunod ang paglilinis sa mga kabayo at pagpapakain. Pagkatapos ko'y napaupo ako sa gilid dahil hinang hina na ako.

Parang ilang araw pa lang ako doon sa eskwelahan ay nandito nanaman ako. Ayoko na dito. Gusto ko na lang doon manirahan sa mundo ng mga tao. Gusto ko nang mamuhay kasama ng pamilya ko. Ayoko na dito.

Napatayo ako agad at napatakbo papunta sa kinaroroonan ni Rein ng makita ko siya. Magdidilim na at kumukulog tapos kumikidlat na.

"Gusto kang makausap ng Hari."

Oh my gosh. Tungkol saan?

"Tungkol saan?" Tanong ko ngunit tinignan niya lang ako ng ilang segundo bago sumagot.

"Magpunta ka doon sa silid. Mag antay ka." Wika niya

"Pero bago yun, mag ayos ka muna ng sarili mo. Bilisan mo." Aniya atsaka na nagpaalam saakin kaya rin ako nagpaalam.

Bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan at napatakbo ako agad sa aming silid.

Binilisan kong maligo at mag ayos. Pagpasok ko sa loob ng kanilang kastilyo ay pinunasan ko muna ang aking sarili dahil nabasa ako sa lakas ng ulan sa labas. Padiretso na sana ako sa silid na dapat kong puntahan nang may marinig akong kakaiba sa isang silid na nadaanan ko.

"How could you not tell me?" Rinig kong tanong ng Hari.

"At least just tell me something. Why didn't you told me about my mom." Rinig kong sabi nila na parang sobrang nasasaktan.

Oh my God. Alam na nila yung tungkol sa reyna? Paano?

Bigla akong napahawak saaking dibdib nang kumulog ng napakalakas.

Blood: A Shadow's Game (Volume VII)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon