"Hello po, tita. Nanjan pa po ba si Sam?" Tanong ni Lauren.
"Ahh. Oo. Nandoon pa sa kwarto niya nagbibihis pa yata."
"Halikayo. Pasok kayo dito."
"Salamat po." Sabi namin sakanila atsaka naupo sa kanilang sofa gaya ng sabi nila.
Lunes na ngayon. Noong mga nakaraang araw ay walang kahit anong nangyari. Naging normal lang naman ang lahat pagkatapos ng kasal nila miss Sandra at mister Zack.
Si Hiro naman ay hindi ko na ulit nakita. Gusto ko man siyang makita at makasama ay wala na akong panahon para dito. Inaasikaso ko kasi si Caleb at binabantayan na rin sila mama dito sa mundo ng mga tao, nagrereview na rin ako para sa nalalapit naming finals. At alam kong marami rin siyang pinagkakaabalahan doon sa mundo nila.
But I really want to be with him even just for a short time.
"Gusto niyo ba ng makakain? Ng juice?"
"Hindi po, tita. Ayos lang po. Nandito po kami para sunduin--"
"Sam!" Tawag ni Ken at pumasok dito na animo'y bahay niya ito.
"Ken. Nandito ka rin pala."
"Oh, hi tita. Si Sam po?"
"Nasa taas. Nagbibihis pa yata."
"Gusto niyo ba ng makakain?"
"Opo. Sige po." Nakangiting sagot ni Ken. Atsaka na nauna sa kusina.
"Halikayo. Wag na kayong mahiya." Pagtawag naman saamin ng mama ni Sam.
Nasapo naman ni Lauren ang kaniyang noo dahil dito.
"Kuya is really like Sam. Yet he insist that he isn't." Madiin niyang sabi atsaka na kami sumunod.
"Pwede pong pakisabi na nandito kami?" Tanong ni Lauren.
"Sige. Dito muna kayo." Anila atsaka kami nginitian bago umakyat papunta sa kwarto ni Sam.
"Sam."
"Ahhh!" Rinig naming malakas na sabi ni Sam.
"Mom! You should knock! It's a shame you seeing me like this."
"What? I saw everything already, Sam. I am your mom. You literally came out of me."
"Now, just put your clothes quickly. Nasa ibaba yung mga kaibigan mo."
"What the fuck are they--"
"Yang bibig mo." Rinig naming sabi ng mama niya kaya hindi niya natuloy ang kaniyang sasabihin.
"Aw. Mom?!"
"What?!"
"Nothing." Wika niya at alam naming umirap siya pagkatapos nito.
"Wag mo akong iniirapan jan. Puputulin ko yang dila mo kung marinig kitang magsalita ng mga ganon."
"Sige na. Bilisan mo at nagaantay sila sa ibaba."
"Hmm-kay." Tamad niyang sagot.
Pagkababa niya ay nagpaalam na rin kami agad sakanila tita. Habang nasa sasakyan kami ay sinabi na namin ang pinapagawa saamin ni Rein.
Ang sabi niya ay habang nandito kami para sa finals namin ay ipagpapatuloy namin ang paggawa namin ng misyon upang patuloy rin ang pagbigay niya saamin ng pera.
Ang misyon namin ay mahanap ang pinsan ng isang Hari ng isang kaharian. Wala na siyang sinabi tungkol dito sa haring ito.
Ang pinsang hahanapin namin ay lalaki. Sabi niya ay nag tatrabaho ito sa "underground corporation" at may apelyedong Pierce. The only "feature" he gave us is that-that guy has a big scar on his neck down to his chest.
BINABASA MO ANG
Blood: A Shadow's Game (Volume VII)
VampireHer real name is Katharine Ashley James Jordan, commonly known as Katharine. However, because of a sudden twist in her life she became Michael for a short period of time. Katharine just wants to live in a human world along with her family. But beca...
