Pagkalabas ko ng kastilyo galing sa kusina nila dahil nakiinom muna ako ng kanilang tubig, ang bumungad saakin ay hindi si Sam.
Hikari, Akari, Pariahs.
"Fuck it! This damn assholes!" Pagmura ng mama ng kambal.
Ngayon ay bumalik na ang aking paningin. Kahit papaano ay nakakakita na ako ng malinaw hindi tulad kanina na aninag lamang ang nagagawa kong makita.
Sa hindi ko alam na dahilan, biglang nagsialisan ang mga kalaban at nagpunta sa kung saan.
"Where the fuck are they going?' Tanong ng mama nila Lauren atsaka rin sumunod sa mga ito.
Sumunod din ako at sa pagtakbo ko'y nakita ko si Sam.
"Sam!" Tawag ko ngunit hindi niya yata ako marinig. Nakailang tawag pa ako hanggang sa nakarating na kami sa pinuntahan ng ibang mga kalaban.
"Guys!" Hingal na hingal kong tawag sakanila Kyla.
Thank God, they're all okay.
Napatingin naman ako sa prinsipe na nakikipag laban sakanila king Hiro.
Kung nandito na siya, ibig sabihin ay nandito na rin siguro si Mrs. Estella.
"Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo man lang ako antayin."
"Oh? I'm sorry. I didn't heard you." Sagot saakin ni Sam pagkarating ko.
Naging alerto kaming lahat nang nagsisugod saamin ang mga kalaban.
Habang nakikipaglaban kasama sila Jasper ay nakita ko si Ken na pasugod sa prinsipe. Agad akong nakaramdam ng kung ano kaya ako tumingin sa prinsipe, at dito ko nakita ang pagbabago ng kaniyang mga mata.
Shit. This is bad.
Itinulak ko ang aking kalaban at mabuti na lang ay napana siya ni Jasper. Pumikit ako at pagmulat ng aking mga mata ay tinignan ko ang mga mata ng prinsipe. Nakaramdam ako ng init at hapdi saaking mga mata kaya ako tumingin ng diretso sa mga punong kaharap ko. Agad itong nakain ng apoy.
"Argh! Katharine!" Rinig kong sabi ng prinsipe kaya ko sinalubong ang kaniyang mga mata.
Gladly, I manage to open this ability of my eyes before. Doon lang rin nalaman ng prinsipe na pumapares na ako sakaniya.
Ang nakakaalam lang nito ay si mister Gerald. Parang noon sa pagpapanggap ko lang din. Sila din ang unang nakaalam ngunit hindi nila ito sinabi.
Sabi nila ay dahil saaking kamay, dito sila unang nagduda na babae ako. Malakas din daw ang kanilang kutob na babae ako dahil sa aking pisikal na kaanyuan.
Nalaman nila ang tungkol saaking mata kailan lang, pero. Noong tinuturuan nila akong makipag laban. Bigla na lang silang umapoy nang tumingin ako sakanila.
Ang isang katanungan sa isipan ko'y magkaano-ano sila ni mister Nikko at ng prinsipe?
Hindi ko malilimutan yung mata ni mister Nikko na tumitig sa mga mata ko noon. Parehong pareho sa mata ng prinsipe.
"I'm not gonna allow you hurt my friends. As long as I'm here, you can't use your eyes." Sambit ko. Naningkit ang kaniyang mga mata at alam kong hindi niya ito nagustuhan.
Sumugod sakaniya si Ken kaya nawala ang atensyon niya saakin. Dito ko naman naramdaman ang sakit at hapdi ng aking mga mata.
"Katharine!" Tawag saakin ni Lauren ngunit hindi ko maibuka ang aking mga mata dahil sa sakit.
Ang init. Mahapdi. Masakit. At para itong hinihila ng pilit saakin.
"Halika doon. Sa tingin ko'y balak ka niyang kunin." Sabi ni Kyla atsaka nila ako tinulungan makaalis.
BINABASA MO ANG
Blood: A Shadow's Game (Volume VII)
VampireHer real name is Katharine Ashley James Jordan, commonly known as Katharine. However, because of a sudden twist in her life she became Michael for a short period of time. Katharine just wants to live in a human world along with her family. But beca...
