Teaser

1.6K 54 4
                                    

⚠️ WARNING PLAGIARISM IS A CRIME ⚠️

~Copying or Translating any part of the story a story without the permission from the author is punishable by the Law ~

TEASER:

~~~~~

Alas dose na ng gabi pero hindi parin ako makatulog, nababahala ako tungkol sa pinag-usapan namin kanina. Taimtim akong nagdadasal na sana ay matigil na ang mga hindi maipaliwanag na nangyayari sa aming bayan.

Hihiga na sana ako ng may marinig akong pagaspas ng pakpak kasunod nito ay ang panaghoy ng mga aso na nakakalat sa may kalsada na nagpapahiwatig na may masama na nanamang nangyayari sa aming bayan.

Nanginginig man ay dahan dahan akong tumayo at tumitingkayad na pumunta sa bintana ng aking kuwarto. Gusto kong makita mismo ng mga mata ko kung sino ba talaga ang nangbibiktima ng mga kababaihan dito sa Poblacion.

Tumingin ako sa siwang ng aking bintana. Pagkasilip ko ay nakita ko ang purong kadiliman na may kaunting liwanag dahil sa bilog bilog na buwan sa kalangitan.

Wala namang kakaibang nangyayari tanging tunog lang ng panggabing mga hayop ang maririnig mo at ang panaka-nakang hapas ng hangin sa mga nagtatayugang puno dito sa amin ngunit masama ang pakiramdam ko na sa anumang oras ay may magbabadyang panganib.

Tuluyan kong binuksan ang bintana ng kuwarto na wala namang kakaibang nangyayari. Maaring ang pagaspas na narinig ko kanina ay dulot lamang ng aking imahinasyon dahil sa nakakatakot na pinag-usapan namin, maaring rin na iyon ay dulot ng paghampas ng mga puno sa kapwa nito puno na naglilikha ng tunog na waring nangagaling sa isang pakpak.

Napayakap ako sa sarili ko ng umihip ang hangin na siyang nagpatindig ng balahibo ko sa katawan. Pakiramdam ko ay may matang nakatingin sa akin sa madilim na parte ng aming bakuran dahil natatabunan ng ulap ang sinag ng buwan.

Pilit ko itong inaaninag pero hindi ko makita, hanggang sa may narinig akong kaluskos at unti unti ay may aninong lumabas mula sa dilim. Napakalakas ng pintig ng aking puso, nanginginig narin ang mga tunod ko dahil sa kaba.

Unti unti ay nasisinagan na ng buwan ang bulto nito. Ang kaninang napakalakas na pintig ng aking puso ay mas lalong pang lumakas ng masilayan ko ang buong itsura nito.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang pulang mata nito na kasing talim ng kutsilyo kung tumitig, may matutulis na ngipin na kayang punitin ang balat mo sa oras na makagat ka nito, matatalim na kuko na kayang tumagos sa katawan mo kapag sinaksak ka nito, at ang tumutulong pulang likido sa bibig nito.

Dali-dali kong isinara ng bintana ko at buong lakas na itinulak aparador patungo sa may bintana na kung sakali man na puwersahan nito itong buksan. Nanginginig na kinuha ko ang walis tambo sa gilid ng kuwarto at itinutok ito sa may bintana.

Pakaraan ng ilang minuto ay wala namang nangyayari, ngunit ng ibababa ko na sana ang walis na hawak hawak ko ay nakarinig naman ako ng papalayong pagaspas ng pakpak na sinundan ng nakakabinging sigaw ng isang nilalang.

Nanghihina na napasandal ako sa pinto ng tuluyan na rumihistro sa isipan ko na A-aswang ng nakita ko! Totoo ang A-aswang! Juskooo! Tulungan niyo po kami, piping panalangin ko.

~~~~~

Kyut niyong author's note: Hi guys first and foremost I want to say thank you sa mga nagbabasa ( Kung meron man haha ) first time ko pong magsulat ng story kaya don't expect to much ( Lels ) pero gagawan ko ng paraan para mas pag-igihan ko pa lalo ang pagsusulat ko tsaka beware for the Typographical and Grammatical errors ahead. Hindi ko pa kasi siya na-i-edit and paki correct narin ako kung ano yung mga mali hehe 😅 I don't mind naman lovelots😘

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now