Chapter 33: City of Kasyrgan/ City of pain
ARAW ang lumipas at opisyal na akong niligawan ni Hades. Hindi ko kayang maipaliwanag ang saya na aking nadarama. Para akong sasabog sa kilig. Being courted by the man you like is a dream come true to every woman.
Para akong tangang nakangiti sa kawalan habang nagsusulat ng thesis namin. Hindi kasi mawaglit sa isipan ko na liligawan na talaga ako ng lalaking gusto ko. Ang hirap paniwalaan. Pakiramdam ko ay panaghinip lang ang lahat.
Napawi ang mga ngiti ko sa labi ng dumapo ang tingin ko sa kaibigan. Kunot noo itong nakatingin sa akin at parang na-w-weirduhan. Tumikhim ako at nagbaba ng tingin sa ginagawa. Lumipas na ang ilang minuto pero wala paring ideya ang pumapasok sa isip ko. Puro nalang si Hades ang tumatakbo dito. Inis kong sinabunutan ang sarili dahil sa frustration.
' Paano ko matatapos ang ginagawa ko kung puro si Hades ang laman nito '
Hindi puwedeng wala akong gawin dahil tiyak na babagsak ako kapag hindi ko natapos ang ginagawa ko. Ayaw kong mangyari yon.
' Hades kasi ihhh! Kasalanan mo to '
Huminga ako ng malalim at inalis muna pansamantala si Hades sa isipan ko. Marami akong oras para isipin si Hades, huwag muna ngayon dahil sa ginagawa ako. Pinalobo ko ang magkabilang pisngi at nagsimulang magsulat.
' Sana lang matapos ko ito bago ang deadline '
Hindi pa ako nangangalahati ay siya namang pagbukas ng pintuan ng Boarding House namin. Na amoy ko ang mamahaling panlalaking pabango. Hindi ko na kailangang tingnan kung sino ito dahil siya lang naman ang namumukod tanging lalaking pumapasok dito ng hindi kumakatok. Mahigpit kong hinawakan ang ballpen na hawak at napabuga ng hangin.
" Como Estas, Mi Reina " busangot akong napabaling dahil dito
" What's with that face Mi Reina? Did I do something? " Inosenteng tanong nito
Parang kanina lang nasa isip ko siya, pero heto't nandito na.
Umiling lang ako. Bago pa ako makasagot ay narinig ko ang bungisngis ng kaibigan ko.
" Hi Hades! Upo ka hihi " sabay lahad ng upuan dito. Ngumiti lang si Hades at ibinigay sa akin ang dala nitong bulaklak. Pansin ko ring may dala itong supot. Tingin ko ay pagkain ang laman non. Nagutom tuloy ako bigla.
Dumeretso ito sa maliit na kusina namin at inayos ang dala nitong pagkain. Nalanghap ko ang mabangong amoy nito, bigla tuloy akong natakam. Habang naghahanda ay bumaling ulit ito sa akin at nagtanong.
" Sooo, what's with the frown Mi Reina "
" Wala " balewalang sagot ko at pinagpatuloy ang naudlot na pagsusulat
" Hihi " Tumingin ito sa kaibigan ko dahil sa pagbungisngis nito. Tinakpan pa nito ang bibig niya para hindi siya marinig pero wala ring kuwenta.
" Ako! Parang alam ko kung bakit siya nakabusangot kanina " sabay ngisi nito sa akin. Pinanlakihan ko ito ng mata, at bahagyang sinipa ang paa nito. Pero parang manhid yata ang kaibigan ko at hindi manlang ito ininda.
" Trisha! Tumigil ka nga! " Narinig ko ang mahinang tawa ni Hades kaya pinanlakihan ko ito ng mata. Kinagat lang nito ang pang-ibabang labi habang nagpipigil ng ngiti.
' I find it hot though ' bahagya akong namula dahil sa iniisip ko. Nahihiyang umiwas tuloy ako ng tingin dito
" Sus! If I know, kanina ka pa niyan iniisip Hades! Alam mo ba kanina? Para yang tangang nakangiti sa kawalan, na-mi-miss ka yata " sabay tawa ng nakakainis
Hindi narin pa nakapagpigil si Hades at ngumisi ito sa akin. Pakiramdam ko ay para akong sisilaban ng buhay dahil sa init ng magkabilang pisngi ko. Inis kong binato ng hawak kong ballpen ang kaibigan ko para matahimik ito. Tumigil ito at masama akong tinignan na ikinangisi ko. Nakita kong napailing si Hades at pinagpatuloy ang ginagawa.
YOU ARE READING
Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin
FantasiLugar kung saan nagsimula ang lahat at sa akin ay nagpahirap Ang lugar na siyang puno't dulo ng lahat Lugar na siyang naging saksi sa sakit, saya at lungkot na aking naradarama Ang Poblacion San Juaquin na naging saksi sa pag-iibigan naming dalawa S...