Chapter 26
Pagkatapos ng nangyaring yon ay wala naring naging problema sa amin ni Hades, araw araw kaming lumalabas, kumakain at pumupunta sa kung saan. Nitong nakaraang araw rin ay ini-enjoy namin ang piling ng isa't-isa. Napakasaya ko ng mga araw na iyon sapagkat parang kami lang dalawa ang tao sa mundo at wala ng inaalala pang iba.
Nakakatuwa lang dahil parang sasabog sa tuwa ang puso ko. Nito ring nakaraan ay mas lalo kong makilala si Hades na siya ring nagpahulog sa akin ng husto dito. Marami akong nalamang mga bagay tungkol sa kanya. Pero kahit ganon ay meron paring takot na namayani dito sa puso ko.
Natatakot na baka matapos ang mga maliligayang araw kong ito. Natatakot ako sa magiging balik nito dahil hindi naman araw araw ay palagi tayong masaya dahil dadarating at darating ang mga araw na tayo ay magdudusa. Masamang mag-isip ng mga ganitong bagay pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Nito ring kasing nakaraan ay parang may nararamdaman akong kakaiba. Yun yung tipo na parang may nakatingin sa akin. Katulad nalang ng pakiramdam ko noong kaarawan ni Hades, pakiramdam ko ay may palaging nakabantay sa kilos ko, pero ang mas ipinagtataka ko lang ay nararamdaman ko lang yon sa tuwing aalis si Hades sa tabi ko.
Bawat kilos ko ay ilang na ilang ako, at palagi rin akong nababalisa, hindi ako mapakali sa isang tabi dahil nakakapanindig balahibo ang mga tingin na ipinupukol sa akin ng kung sino man ang may gawa nito. Isang araw nga noong inutusan nagwawalis ako sa likod ng bahay namin kung saan makikita ang nagyayabungang gubat sa amin.
~~~~~
Alas singko ng hapon ng maisipan kong magwalis sa likod ng bahay namin. Nakakatamad rin kasing maupo at mahiga nalang dahil tinapos ko na kanina umaga ang mga kailangan at dapat kong gawin sa araw na ito. Tamang tama naman dahil nasilip ko kanina na masyadong marumi at mayabong na ang mga damo dito sa likod bahay.
Kinuha ko na ang mga kailangan ko sa paglilinis at dumiretso na ako sa likod ng bahay namin. Pinagbubunot ko ang mga damo at pinangwawalis ang mga tuyong dahon na nahulog mula sa mga punong narito.
" Kapag hindi ko nilinis ang likod ngayon baka pamahayan na ito ng ahas dahil sa kapal ng mga ligaw na damo " bulong ko sa sarili ko
Napatingin ako sa pinaglinisan ko at wala sa sariling napangiti dahil mas maayos na ang itsura nito kumpara kanina. Tumingin ako sa langit at napapikit habang dinarama ang sariwang hangin na nanggagaling sa mga puno. Ang saya talaga sa probinsya dahil ang hangin dito ay napakasariwa hindi tulad ng sa Manila na puro usok ng sasakyan at pabrika ang maaamoy mo. Nakaka-relax rin tingnan ang mga maberdeng paligid at nakakagaan sa pakiramdam.
Tuluyan nang nalusaw ang mga ngiti ko at unti unting napalitan ng pagtataka ng may marinig akong parang may umapak sa natuyong dahon hindi kalayuan mula sa kinauupuan ko. Mas lalo pa akong nagtaka ng gumalaw ang mga talahib. Wala namang hangin kaya paano gagalaw yon?
Maliban nalang kung may hayop na gumalaw don diba? Naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa may natanaw akong anino. Nagulat nalang ako ng unti unti itong gumalaw at akmang lalapit sa akin.
" Art! Nandito si Hades " sigaw ni nanay kaya napalingon ako dito
Nakita kong nakatanaw ito sa akin habang mula sa pintuan ng kusina namin. Ibinalik ko muli ang tingin ko sa harap ko ng makitang wala doon ang aninong yon.
" Opo! Nandiyan na! " Sigaw ko pabalik habang hindi parin inaalis ang tingin sa harapan ko
Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo at
pinunasan ang kaunting butil ng pawis sa noo ko, gamit ang likuran bahagi ng kamay ko. Bago tuluyang lisanin ang likod bahay namin at tinitigan ko pang muli ang lugar kung saan ko nakita ang anino.
YOU ARE READING
Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin
FantasyLugar kung saan nagsimula ang lahat at sa akin ay nagpahirap Ang lugar na siyang puno't dulo ng lahat Lugar na siyang naging saksi sa sakit, saya at lungkot na aking naradarama Ang Poblacion San Juaquin na naging saksi sa pag-iibigan naming dalawa S...