Chapter 31

367 17 3
                                    

Chapter 31

Lumipas ang mga araw at nagiging malapit kami sa mga Vallderama. Ang iba ay pinangingilagan sila na higit kong ipinagtataka. Wala namang kakaiba sa kanila dahil kung makihalubilo sila sa aming dalawa ni Trisha ay parang normal lang rin silang estudyante. Marami rin akong malaman tungkol sa pamilya nila. Sila pala yung nakabili sa bakanteng lote na madalas naming daanan noon. Nalaman ko ring sa Espanya talaga sila isinilang at lumaki kung kaya't nakakapagtataka no'ng malaman kong marunong silang magsalita ng tagalog.

Ang saya lang dahil wala silang ka-arte arte sa katawan, hindi rin sila maarte sa pagkain, dahil minsang hindi kami kumain sa cafeteria ay doon kami dumeritso sa karenderya. Gulat na gulat ako noong sumunod sila sa amin at sumabay pang kumain. Hindi rin maitatangging nahuhulog ang loob ko kay Hades. Masyado kasi siyang maginoo at palagi niya rin akong panapangiti.

" Art, I would like to invite you in my home this coming weekend, are you free? " Nahihiyang tanong nito at napahawak pa sa batok nito.

" Oo naman libre ako, pero anong gagawin natin don? " Takang tanong ko rito

Umiwas ito ng tingin sa akin at napabuga ng hangin, namumula rin ang tenga at leeg nito " I-i just want to introduce you to my family that's it " saglit itong tumigin sa akin pero agad ring umiwas. Natawa ako dahil sa reaksiyon nito. Cute. Pero ng magpagtanto ang sinabi nito ay agad akong kinabahan.

" Hades? " Maliit na tinig na bati ko dito

" Hmmm? "

" Hindi ba nakakahiya? "

" Why? There is nothing wrong with it, besides we're friends, you are the only one together with your friends in this campus who accept us a normal students, and not a nobility " may kaunting kurot akong naramdaman dahil sa sinabi nito. Isinawalang bahala ko nalang ito at ngumiti

" Sige, pero puwede ba nating isama si Trisha? Para naman hindi ako masyadong maging out of place doon " sabay hilaw na ngumiti dito

Ngumiti rin ito sa akin " Sure why not? Besides I will never let you feel out place " namula ako dahil sa sinabi nito.

Nandito ako ngayon sa botanical garden ng paaralan, wala kasi kaming klase kaya dito ko naisipang tumambay muna. Nagpaalam ako kanina kila Hades na mag-c-Cr lang ako pero nagawi ako dito. Nito kasi nakaraan ay gumugulo parin sa isip ko yung sinabi ni Hades. Ipapakilala niya ako sa mga magulang niya. Ano kaya yung magiging reaksiyon nila?

Isa lang akong hamak na ordinaryong estudyante at walang dugong maharlika ang dumadaloy sa akin. Nahihiya ako dahil isang maharlika ang kahaharapin ko. Parang nagsisisi na tuloy akong pumayag ako sa alok sa akin ni Hades. Napakagat ako ng labi at naupo sa isa mga bench na nandito. Huminga ako ng malalim at pinalobo ang pisngi.

' Ano na ang gagawin ko? Parang ayaw ko na yatang pumunta, sasabihin ko nalang kaya na may sakit ako sa araw na na'yon? "

" Art? " Napataas ang balikat ko dahil sa gulat ng may nagsalita.

Masyado yatang malalalim ang iniisip ko kaya hindi ko napansin si Hades sa harap ko.

" Nakakagulat ka naman, anong ginagawa mo rito " sabay tingin dito, saglit pa akong nasilaw dahil sa liwanag ng araw na tumama sa mata ko. Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko.

" I should be the one asking you that? What are you doing in here? I thought you were just going to the comfort room ? What brings you here anyway? " Sabay tingin sa akin.

Nagkibit balikat lang ako " Wala naman, gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin kaya nandito ako " sabay ngiti dito at tumingin ulit sa kawalan bago bumuntong hininga

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now