Chapter 9

582 29 0
                                    

Chapter 9

Huli na ng mapagtanto ko na sa bahay kami ng mga Vallderama pupunta. Teka! Ano ba ang gagawin namin doon? At bakit ba kami pupunta doon? Isinawalang bahala ko nalang Ito at naligo na. Nakakahiya kasi paghintayin yung bisita namin.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Pagkababa ko ay iginala ko ang paningin ko sa paligid para hanapin ang isang tao na gumugulo sa isipan ko. Pero napatalon ako bigla ng may sumundot sa tagiliran ko.

" Ano ba! " Saway ko sa kaibigan ko

" Hinahanap mo si Hades no? Ayieeee ikaw ha! " Tukso nito. Namumulang nag-iwas nalang ako ng tingin dito

" H-hindi no! Tsaka tumigil ka na nga diyan! Halika ka na at magpapaalam pa ako " palusot ko rito

" Yieeee, tanggi pa more! Haha nandoon siya sa likod ng bahay, kakausapin yata ng Tatay mo " natatawang sabi parin nito

Kinabahan ako dahil sa sinabi nito. Kinakabahan kung ano ang posibleng gagawin at sasabihin ni Tatay dito. Hindi naman sa wala akong tiwala kay Tatay pero kasi. Kahit naman nakumbinsi ko si Tatay na hindi sila masamang Tao ay may posibilidad paring saktan niya ito. Hindi man pisikal kundi emosyonal.

Nagmamadaling pumunta ako sa likod ng bahay namin ng tinawag ako ni Nanay. Nagmano muna ako dito at hinalikan ang pisngi niya.

" Bakit nay? " Tanong ko rito

" Aalis na ba kayo? " Takang tanong nito

Bago pa ako makasagot at inunahan na ako ni Trisha.

" Opo Tita " sagot nito kay Nanay, na nakasunod sa likuran ko

" Oh siya sige! Kumain muna kayo bago kayo umalis, mauna na kayo sa hapag kainan at tatawagin ko lang ang Tatay niyo tsaka yung bisita natin " anyayang sabi nito at iginiya kami sa hapag para kumain.

Nang naihatid niya kami ay tumalikod na ito, para tawagin sila Tatay. Nakasulyap lang ako sa papalayong likod ni Nanay. Gusto ko kasing sumama sa kanya para alamin kung okay lang si Hades

Siniko naman ako ni Trisha ng mapansin niyang nakasunod ang mata ko kay Nanay at tinaas baba nito ang kilay niya. Napailing nalang ako sa ginawa niya.

Umupo na ako sa upuan ko at umupo narin sa tabi ko ang kaibigan ko. Nandito narin ang mga kapatid ko na nauna ng kumain.

" Good morning ate " nakangiting bati sa akin ng dalawa kong kapatid

" Good morning " balik na bati ko rin dito

" Ako? Hindi niyo ba ako babatiin ng Good Morning " Sabi ni Trisha habang nakaturo sa sarili niya

Kahit kailan talaga ang babaeng to hindi nagbabago. Maingay parin.

" Hehe Good morning rin sayo Ate " nag-aalangang bati ng mga kapatid ko dito

" Good morning rin! " Balik na bati nito

Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang ako habang kumakain. Ang mga kapatid at kaibigan ko lang ang nag-iingay sa hapag kainan. Tumingin ako sa bukana ng kusina ng makita si Nanay na paparating, kasunod nito ay si Tatay, at ang panghuli naman ay si Hades.

Tumagal pa ang tingin ko kay Hades dahil sinusuri ko kung may kakaiba ba rito. Pero natigil lang ako sa paninitig ng tumingin ito sa akin, namumulang nagbaba ako ng tingin dahil nakakahiya ang ginawa ko.

Inanyayahan narin ni Nanay si Hades na sumabay sa amin sa pagkain. Noong una ay tumanggi pa ito dahil nakakain narin daw siya sa kanila bago pumunta dito, hindi rin nagtagal ay kumain na rin ito dahil sa pamimilit ni Nanay sa kanya.

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now