Chapter 8

607 32 0
                                    

Chapter 8

Hanggang ngayon ay hindi nandito parin kami sa burol. Ang sarap rin nilang kasama, hindi kasi nila ako hinayaang mailang lalo na ang mga babaeng Vallderama. Mas gumaan narin ang loob ko Hades.

Noong una kasi kung titignan mo siya parang hindi siya mamamansin ng Tao. Nakakatakot rin ang presenyang dala nito at nakakailang kung tumitig. Kaya hindi talaga ako komportable kapag kasama Siya. Pero ngayon ay nabawasan narin ang pagkakailang ko sa kanya.

Ang dami ko ring nalaman tungkol sa pamilya Vallderama, hindi Naman Pala sila kasing sama gaya ng naisip ko. Nalaman ko rin na ang apelyedong Vallderama ay nanggaling sa bansang Spain.

Sila ang isa sa pinakamayaman at makapangyarihang pamilya na ginagalang ng mga taong nandoon. Ang kanilang Lolo ay purong Espanyol at ang kanilang Lola ay kalahating Pilipina at kalahating Koryana. Ang Lolo nila ay nanggaling sa mga dugong bughaw na Espanyol.

Kung saan ito ay isang conde na maiikumpara mo sa British Earl ng bansang Englatera. Sa papa niya rin ipinasa ang titulo dahil ito ang panganay sa kanilang mag-kakapatid. Ngayon naman ay kay Hades ito ipapasa sapagkat siya ang panganay sa kanilang dalawa ni Hayden.

Nakakapanliit ng pagkatao ang mga nalaman ko ngayon sa kanya. Oo alam ko na mayaman sila pero hindi ko naman ganito sila ka makapangyarihan. Parang natatakot na tuloy akong pakisamahan siya ulit ng normal.

Para kasing kaunting pagkakamali ko lang ay ipapatay ako nila. Para namang nabasa ni Hades ang mga iniisip ko kaya natawa siya. Sinabi niya sa akin na huwag matakot sa kanya dahil isa lang naman daw siyang ordinaryong tao.

Napaismid nalang ako sa sinasabi niya. Paano ko naman gagawin yon? Pananamit palang at tindig nito ay alam mo ng nanggaling siya sa isang mayamang pamilya. Hindi narin ako nagtataka kung bakit wala ng nagsasabi sa kanila ng masama ngayon.

Kung meron man ay kakaunti nalang. Siguro nalaman ng mga tao dito na nanggaling sila sa hindi basta bastang pamilya lamang ng mayayaman. Yan rin siguro yung dahilan kung bakit wala na uli pang nagtangkang saktan sila kagaya ng ginagawa nila kay Aviana. Natakot na siguro silang banggain ng Pamilya Vallderama.

Pero ang ipinagtataka ko lang, ano ang ginagawa nila sa Pilipinas kung gayong maganda naman ang pamumuhay nila doon? Kung nagbabakasyon man sila ay bakit dito pa sa Liblib na Bayan ng Poblacion? Kanina kasi habang sinasabi sa akin ni Hades ng mga impormasyon nayon ay parang nag-iingat siya sa mga salitang sinsabi niya.

Gusto ko sanang tanungin tungkol gumugulo sa isipan ko pero naisip ko na masyado na akong nanghihimasok sa buhay niya, tsaka hindi naman kasi ganoon kalapit sa isa't-isa dahil kanina lang kami nagkakilala.

Pero aaminin ko na sa sandali naming pag-sasama ay gumaan ang loob ko sa kanya, kung pakipag-kuwentuhan kasi siya sa akin ay parang natural lang at parang matagal na niya akong kakilala.

Nagtataka na tuloy ako sa kanya, habang tumatagal kasi ay parang namumukhaan ko siya. Hindi ko lang alam kung saan at kailan ko siya nakita.

Hinatid kami nila Hades sa kanya kanya naming bahay. Tumanggi pa ako noong una dahil abala lang yon sa kanila kaso mapilit talaga sila kaya sa huli ay pumayag narin ako. Nag-aala rin sila dahil baka daw ay abutin kami ng ala-sais.

Saktong ala-singko trenta ay naihatid na ako nila sa bahay. Nag-paalam at nagpasalamat ako sa kanila sa ginawa nila sa aking paghahatid. Higit sa lahat nagpasalamat rin ako kay Hades dahil sa kabila ng mga sinabi ko sa kanya ay naging mabait parin siya akin. Nakakapagtaka ngalang dahil habang nagpapaalam ako kay Hades ay nakangisi silang lahat.

Kanina ay meron rin akong napapansin sa kanila, para kasing hindi kamag-anak ang turing nila kay Hades. Para kasing napakataas ito kung kanilang tratuhin, parang ito ay kanilang panginoon at kung umasta sila ay parang alipin nito.

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now