Chapter 30: Flashback 5 years ago
Ang unang pagkikita
Artemis POV
Ala-siyete ng umaga at naghahanda na akong pumasok sa eskuwela. Ngayon ang simula ng klase ko. Bilang 4th year college student ay kailangan kong pag-igihan lalo ang pag-aaral ko ngayong taon dahil nakasalalay sa akin ang magiging kapalaran ng pamilya ko.
Ako ang panganay sa aming tatlong magkakapatid kaya kailangan kong mag-aral ng mabuti para sa kanila. Gusto kong matulungan ang mga magulang ko at syempre para narin nakaahon kami sa hirap. Dito sa Poblacion simple lang ang lahat. Isang tipikal na probinsya kung baga.
Magkakasundo at magkakakilala ang lahat ng taong narito. Nagkakaisa at nagtutulungan ang bawat isa. Presko at maganda rin ang buong paligid dahil sa mga punong nakapalibot sa buong bayan. Ang Poblacion kasi ay parang nasa gitna ng kagubatan.
" Nay! Aalis na po ako " paalam ko Nanay
" Oh siya at mag-iingat ka ha? " Paalala nito sa akin
" Opo " nakangiting sabi ko naman dito sabay mano sa kamay nito
Matanda na si Nanay pero nagtatrabaho parin siya para lang may maitustos sa pang-araw araw naming pangangailangan ganon rin si Tatay. Gustuhin ko mang tumigil sila sa pagtatrabaho at ako nalang ang maghahanap buhay para sa amin ay hindi puwede. Ang palagi kasi sa aming sinasabi ni Nanay, ay mag-aral lang daw kami ng mabuti at huwag namin silang alalahanin, dahil responsibilad raw nila bilang magulang ang magtrabaho para sa mga anak nila.
Wala na akong magagawa don, kaya ang tanging magagawa ko ay ang mag-aral ng mabuti para sa kanila. Lumabas na ako ng gate namin at nag-abang ng tricycle papunta sa paaralan. Nasa kabilang bayan pa kasi ang paaralan namin kaya kailangang sumakay ng tricycle at mangupahan ng boarding house.
Dapat talaga ay kahapon pa ako nandoon sa boarding house namin ng kaibigan ko, pero dahil magkaroon ng problema ay hindi ako nakapunta kahapon. Wala namang problema kung ngayon ako pupunta dahil mamayang alas-diyes pa naman ang klase namin at meron pa akong oras para mag-ayos ng gamit namin.
Huminto ang sinasakyan kong tricycle sa harap ng boarding house. Nagbayad na ako dito at bumama. Tinulungan rin ako ng driver na ibaba ang dala kong maleta.
" Tao po! " Sigaw ko
" Sandali! Nandiyan na! " Sigaw naman ng kung sino sa loob. Hindi nagtagal ay bumukas ang tarangkahan sa harapan ko at lumabas ang isang babaeng nasa mid-50s. May dala itong pamaypay at nakabistida rin ito.
" Oh? Art! Nandito ka na pala, hala pasok at nandito na ang kaibigan mo kahapon pa. Bakit ba ngayon lang dumating? " sabi nito.
Ngumiti ako dito at nagsalita " May nangyari po kasi kahapon kaya hindi ako agad nakapunta dito " sabay kamot sa pisngi ko
" Ahh? Ganon ba? Tara pasok ka na " anyaya nito sa akin.
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at pumasok na sa loob. Nasa anim lang na palapag ang buong building pero malaki ang sakop nito dahil kaya nitong mag-accumulate ng 60 boarders. Dalawa ka tao sa bawat silid. Hindi rin gaano kamahal ang upa dito at libre rin ang tubig at kuryente namin.
Matagal narin kaming boarder dito ng kaibigan ko dahil simula nong nag college kami dalawa ni Trisha ay dito na kami nangupahan. Umaakyat ako ika-limang palapag dahil nandoon ang kuwarto namin. May hawak naman akong susi kaya hindi ko na kailangang kumatok pa.
Pumasok na ako sa loob at nakita ang napakagulong paligid dahil ang mga gamit ng karoommate ko ay nakakalat sa sahig. Napatampal nalang ako ng noo dahil dito.
YOU ARE READING
Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin
FantasyLugar kung saan nagsimula ang lahat at sa akin ay nagpahirap Ang lugar na siyang puno't dulo ng lahat Lugar na siyang naging saksi sa sakit, saya at lungkot na aking naradarama Ang Poblacion San Juaquin na naging saksi sa pag-iibigan naming dalawa S...