Chapter 6
Pagkahiga na pagkahiga ko ng kama ay tinangay na ako ng antok dahil siguro sa pagod at takot ko noong araw na yon. Umupo ako sa kama ng maramdaman ko ang init ng sinag ng araw na nanggagaling sa mga siwang ng bintana ko.
Humikab ako at kinusot ang namamagang mata ko. Luminga linga sa paligid para hanapin ang kung nasaan ang pusa ko. Kahapon ko pa kasi napapansin na parang nawawala ito. Huling kita ko lang dito ay noong iniwan ko ito sa kusina nang tumulong ako kila nanay sa paghihiwa.
Tumayo na ako ng kama dahil hindi ko nakita ang pusa ko. Nag-aalala na ako baka kung saan na ito napunta. Wala sa sariling tumingin ako sa aparador at dumapo ang mata ko sa ibabaw nito. Kumunot ang noo ko ng makita na ang pusa ko doon. Ang berde nitong mata ay mariing nakatingin sa akin.
Nilapitan ko ito upang sana ay kunin ito ng biglang nalang itong tumalon at dumiretso sa akin. Inikot-ikutan ako nito at ikiniskis ang ang katawan sa paa ko. Para itong nagpapalambing. Binuhat ko ito at ipinantay sa mukha ko.
" Asan ka ba nanggagaling kahapon ha? " Parang nababaliw na kausap ko sa pusa
" Meow "
" Nakuuu! Ikaw na pusa ka ha! Kung saan saan ka pumupunta! Baka mamaya mabalitaan nalang kita na nasa loob na ng siopao, gusto mo ba yon? O baka naman gusto mo na ako nalang ang mag-siopao sayo " pabirong sabi ko
" Meow " kumawag kawag ito sa pagkakahawak ko.
" Haha ikaw talaga joke lang, lab na lab kita e" sabay halik sa noo nito
Binaba ko ito dahil maghihilamos at magsisilyo muna ako. Mamaya nalang siguro ako maliligo dahil wala naman akong masyadong plano sa araw nato. Siguro ay maglilinis nalang ako ng kuwarto ko at ng bahay. Balak ko kasing palitan yung mga kurtina, ang bedsheet at mga punda ng unan ko, tsaka lalabhan ko na rin ito.
Kinuha ko ang pusa ko na nakaupo sa kama ko at bumaba na ako para makapag-almusal.
Pababa palang ako ng hagdan ay nakasalubong ko si nanay na paakyat." Oh! Art gising ka na pala, gigisingin sana kita para makapag-almusal na. Halikana mag-almusal na tayo " yaya nito sa akin
" Nay pasensya na nay ha, hindi ako nakatulong sa pag-aayos kahapon nakatulog kasi ako " sabi ko rito
" Ano ka ba, okay lang yon alam naman namin na pagod ka, huwag mo ng alalahanin yon, nandiyan naman si Trisha yung matalik mong kaibigan? siya yung tumulong sa amin kahapon, nakakahiya nga e pero nagpumilit parin kaya hinayaan ko na " mahabang pahayag nito
" Oo nga po e, tsaka bukal naman po sa kalooban niya ang tumulong " sagot ko rito
Tahimik kaming pumunta ng dinig area para kumain. Nandoon narin si Tatay at ang dalawa ko pang kapatid.
" Good morning ate " bati ng dalawa kong kapatid
" Morning " nakangiting bati ko rin dito
" Magandang umaga Tay " bati ko kay tatay na nagbabasa ng diyaryo habang umiinom ng kape. Tanging ang pagtango lang nito ang isinagot sa akin
Umupo na ako at nagsimula na kaming kumain tahimik lang kami ng may biglang sumigaw nalang ng pangalan ko sa labas.
" ART!! GISING KA NA BA!! MAY PUPUNTAHAN TAYO DALI!! " sigaw ni Trisha
Tumigil ako pagkain para sana buksan ang gate namin. Pero bago pa ako tumayo ay nauna na si nanay sa akin para pagbuksan ang kaibigan ko. Napailing nalang ako. Ang Aga aga pa kasi pero ang ingay ingay na niya.
Uminom na ako ng tubig dahil tapos naman na akong kumain.
" Tita, gising na ba si Art? Yayaain ko sana siyang gumala " narinig kong tanong nito kay nanay
YOU ARE READING
Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin
FantasíaLugar kung saan nagsimula ang lahat at sa akin ay nagpahirap Ang lugar na siyang puno't dulo ng lahat Lugar na siyang naging saksi sa sakit, saya at lungkot na aking naradarama Ang Poblacion San Juaquin na naging saksi sa pag-iibigan naming dalawa S...