Chapter 20

489 30 6
                                    

Chapter 20

Limang araw na ang nakakalipas simula ng mangyari ang isidenteng yon, binigyan rin muna ako ni Hades ng espasyo para magpahinga at makapag-isip ng mabuti. Tulala lang kasi ako habang nagsasalita si Hades, habang nakakandong ako sa kanya. Hindi ako makasagot sa mga sinasabi niya sa akin dahil masyadong okyupado ang utak ko sa mga nakita ko. Kaya nagpasiya nalang ito umuwi na muna kami para makapagpahinga ako.

Nito ring nakaraang dalawang araw ay palaging bumibisita sa akin si Hades at patuloy paring nanliligaw pero, hindi ko ito masyadong pinapansin dahil laman parin ng utak ko ang mga imaheng iyon, nito ring nakaraan ay nahahabag na ako dahil sa lungkot na makikita mo sa mga mata niya sa tuwing kinakausap niya ako at hindi ko siya pinapansin.

Gustuhin ko man siyang pansinin ay pinipigilan ko lang ang sarili ko, masyado pa kasing magulo ang isip ko at baka may masabi lang akong masama sa kanya. Hindi narin ako ganoon ka sigurado sa nararamdaman ko dahil meron paring pag-aalinlangan sa puso ko, simula nang nangyari sa akin ang pagpapakita ng babaeng yon ay nababagabag na ako.

Napagtanto ko rin na marami pa akong hindi alam sa tungkol sa kanya, pero bakit parang pamilyar sa akin ang presenya at ang bawat galaw niya na ipinapakita niya? Ngayon ay nahihiwagaan na ako sa tunay na pagkatao ni Hades.

Nito ring nakaraang araw ay pinag-iingat na kami ng mga awtoridad, dahil bumalik na nanaman sa dati ang Poblacion, bumalik na ito sa dating pagiging delikado nito, marami narin ang nabalitaang namatay dahil dito. Hindi narin pa pinapalabas ng bahay ang mga bata dahil mas nagiging mabangis raw ngayon kumpara noon ang nangbibiktima ng mga tao dito.Mas nagiging marahas at brutal na ito sa pagpatay ng mga biktima niya.

" Ate Art? Hindi ka ba sasama? " Napatingin naman ako sa kapatid ko na nakasilip sa hamba ng pintuan namin. Taka ko naman itong tinignan

" Diba may pupuntahan tayo ngayon? Hindi mo ba naalala? " Oo nga pala, sinabi nga pala ni Nanay sa akin na may pupuntahan kami

" Ah, sige maghahanda na ako " malumanay na sabi ko. Tumango naman ito sa akin bilang pagsang-ayon at umalis na

Nito ring nakaraan ay parang wala na akong gana sa lahat ng bagay, pakiramdam ko ay may kulang sa pagkatao ko, siguro dahil nitong mga nakaraan ay wala si Hades. Nasanay na kasi ako presensya niya at dumidepende na ako sa kanya.

Bumuntong hininga ako bago tumingin sa pusang taimtim na nakatingin sa akin. Ang berde nitong mata na palaging nagpapa-alala sa akin kay Hades, ang mga tingin nitong may pagkakahawig sa lalaking gusto ko---iniibig ko, na-mi-miss ko na siya, gusto ko na siyang makita.

Isang Linggo nalang ang pananatili ko dito sa Poblacion dahil babalik na ako ng Manila para magtrabaho kaya gusto ko na itong sulitin pa. Siguro bukas ay pupuntahan ko si Hades sa bahay nila para kausapin at para magka-ayos narin kaming dalawa.

Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo, at nagsimula ng mag-ayos, ang sabi kasi sa akin ni Nanay ay merong kaming dadaluhan na pormal na pagtitipon, hindi ko naman alam yun kaya pinili ko nalang suotin yung isang simpleng kulay puti na off shoulder dress na merong disenyong bulaklak sa may bandang ilalim nito.

Pinili ko ring suotin ang isang plain na kulay puting doll shoes, naligo na ako at isinuot ang damit na pinili ko pati narin ang sapatos na susuotin ko. Nilagyan ko ng kaunting liptint ang bibig ko at nagpulbos nalang. Hindi naman kasi ako mahilig ang make-up dahil kumakati ang mukha ko dito.

Kinuha ko rin ang isa kong shoulder bag at nilagay dito ang mga importante kong mga gamit. Bumaba na ako para yayain sila Nanay ng iba ang madatnan ko. Nandoon si Hayden na naka-upo habang nakikipag-kuwentuhan kila nanay. Kunot noo ko naman itong tinignan ' anong ginagawa niya rito? ' si Audrey ang unang nakapansin sa akin kaya nagsitinginan rin sila sa akin, kamasa ang hindi inaasahang bisita namin.

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now