Chapter 23
Hayden, ang nag-iisang kapatid ni Hades. Isa parin siya malaking misteryo para sa akin, sa tuwing nakikita ko ito ay wala akong mababakas na kalungkutan sa kanya. Pero kanina habang tinitignan ko ito ay parang napakalaki ng dinadala dala niyang problema.
Kaarawan ng kapatid niya pero wala pa siya. Hindi naman sa kinukwestiyon ko siya. Pero diba? Kahit naman sana saglit ay magpakita o batiin manlang niya ang kuya niya. Pero hindi ko rin siya masisisi dahil baka may pinagdadaanan lang siya.
Umalis na ako mula sa pagkakalusong sa bath tub at nagbanlaw narin. Isinuot ko ang damit na bigay sa akin ni Hades pati narin ang panloob na dala nito kanina. Lumabas na ako ng kuwarto at doon nakita si Hades na naka-upo sa kama habang mariin na nakatitig sa akin.
Sinensayasan naman ako nito lumapit sa kanya, kaya lumapit ako dito. Nang makalapit ako ay hinila ako nito at pina-upo sa kandungan nito. Nagpupumiglas pa ako noong una, pero wala rin akong nagawa ng mahigpit nitong pinulupot sa akin ang mga bisig nito sa akin.
Isinubsob nito ang mukha niya sa pagitan ng mga leeg ko at hinigpitan pa lalo ang pagkakayakap nito sa akin, na marahan ko namang sinuklay suklay ang buhok nito.
" Hades? " Tanong ko rito
" Hmm? " at mas lalo pang sumiksik sa leeg ko
" Nasaan nga pala si Hayden? Bakit hindi ko siya nakita kanina? "
Nag-angat naman ito sa akin ng tingin at binigyan ako ng nakakalungkot na tingin. Tingin na kaparehong kapareho nang sa kapatid niya. Tingin na parang pasan pasan nito ang buong mundo at ang tingin na puno ng pighati, galit, at pagsisisi. Hindi ko kaya ang tingin na ipinupukol niya sa akin kaya hinawakan ko ang magkabilang mukha nito.
" Bakit? May problema ba? " Marahang tanong ko dito
" My brother, for the past 5 years his been grieving and blaming his self. He is suffering from silent and always been wanting to forget the past that have been hunting him, every time that my birthday will come I can't stop blaming myself for not protecting him from the pain he had been suffering. " Malungkot na sabi nito
" Hades, wala man akong ideya Kung ano ba talaga ang nangyari noon, pero nasisiguro ko na wala kang kasalanan sa kung ano man ang nangyari non, Oo maaaring responsibilidad mo bilang kapatid na bantayan siya pero hindi mo naman masisisi ang sarili mo dahil hindi lahat ng oras nasa kanya ang buong atensyon at oras mo. Maaaring may pagkukulang ka, pero huwag mo namang sisihin ang sarili mo sa pangyayaring hindi mo naman ginawa " mahabang pahayag ko dito
Diretso itong tumingin sa mata ko at nagsalita
" H-how? How can I even stop blaming myself? Every time that I see the pain, longingness, and guilt in my brother's eye, I can't help asking myself 'where am I in the time that he needed me the most? ' Every time that I need him, he is always there to support me, while me, I can't even give him some a little bit of time because I am too busy. I didn't even now that he is suffering from pain, not until mom told me about what happened to him. I made a promise to my family that I will do my best to protect him whatever may happen. But look, Mi Reina, he is devastated right know, because of me and for the first time I break the first promise that I make. Now tell me Mi Reina, how can I even stop blaming myself if I am also the reason why his hurting right now? " Natahimik naman ako dahil sa sinabi nito habang naaawang nakatingin dito. Niyakap ko nalang ito at himas himas ang likod nito.
Hades, sa lahat ng magkakapatid ikaw palang ang nakita ko na merong higit na pagmamahal sa kapatid nila. Kung ang iba ay nag-aaway away at hindi nagkakasundo sila naman ay pilit na pinoprotektahan ang isa't-isa. Hindi ko man makita kay Hades ang pagmamahal nito para sa kapatid niya ay alam ko namang ipinapadama niya ito sa kanya.
YOU ARE READING
Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin
FantasyLugar kung saan nagsimula ang lahat at sa akin ay nagpahirap Ang lugar na siyang puno't dulo ng lahat Lugar na siyang naging saksi sa sakit, saya at lungkot na aking naradarama Ang Poblacion San Juaquin na naging saksi sa pag-iibigan naming dalawa S...