Chapter 15

556 37 6
                                    

Chapter 15

Nag-aalangan man ay sinabi ko narin kay Tatay ang totoo, nandito rin sila Nanay nakikinig sa bawat sinasabi ko. Pero habang kini-kwento ko yon ay nakakapagtatakang umiigting ang panga ni Hades. Para galit siya habang nakikinig. May sinabi ba akong hindi niya magustuhan? Bawat pagbuka ng bibig ko ay nanginginig ako sa takot.

Pakiramdam ko kasi, anumang oras ay babalik ang nilalang nayon. Nakakatakot, nakakakilabot. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakaengkwentro ng ganon. Hindi ko rin akalain na magiging ganito ang kalagayan ko. May kaugnayan kaya ang mga nangyayari ngayon sa akin tungkol sa sinabi ng matandang albularyo nayon?

Si Hades kaya ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa akin ngayon? Pero paano naman kapag nagkataon lang talaga? Lalayuan ko na ba siya? Pero ayaw ko. Ayaw kong lumayo sa kanya. Kahit naman kasi sa kaunting panahon nayon na magkasama kami ay naging malapit na ang loob ko sa kanya.

Meron ring isang bahagi sa puso ko na nasasaktan sa oras na ginagawa ko yon. Iniisip ko palang na lalayuan siya ay hindi ko na kaya. Hindi ko kayang layuan si Hades. Gusto ko siya. Gustong gusto. Lahat ng mga ginagawa niya ay pamilyar sa akin. Masaya ako kapag kinakausap niya ako. Ang britonong boses niya na napakapamilyar sa akin na kay sarap pakinggan.

Gustong gusto ko ang pakiramdam kapag lumalapit siya sa akin. Ang pagbilis ng tibok ng puso ko kapag nasisilayan ko siya at ang mga paro parong lumipad sa tiyan ko sa tuwing nasisilayan ko ang nakakasilaw niyang ngiti. Lahat ng iyon ay napakapamilyar sa akin at mawawala lang ang pakiramdam na iyon kapag iniwasan ko siya.

Habang sinasabi kay Tatay ang mga naganap sa akin ay napahawak ako bigla sa ulo ko. Ang sakit napakasakit, parang mabibiyak ito sa dalawa. Kasunod non ay ang pagdaan ng mga malalabong imahe sa isipan ko. Namimilipit narin ako sa sakit. Hindi ko narin masyadong makita ang mga nangyayari sa paligid ko dahil hindi ko kayang imulat ang mga mata ko.

Hindi ko rin masyadong marinig ang mga sinasabi nila dahil parang nagiging tunog lang iyon ng bubuyog sa tenga ko. Alam kong nagkakagulo na sila. Hindi alam ang gagawin sa akin at kung ano ang nangyayari sa akin.

Sa sobrang sakit ng ulo ay nagiging malabo ang paningin ko hanggang sa may humawak ng kamay ko ay nandilim ang paningin ko. Pero ang huling nakita ko pa bago ako mawalan ng malay ay ang mga berdeng mata ng lalaking gusto ko.

~~~~~

' Nasaan ako? ' tanong ko sa sarili ko habang inilibot ang paningin sa buong paligid

Pamilyar sa akin ang lugar na ito, hindi ko lang maalala kung saan ko nakita. Puno ng mga bulaklak ang paligid at naglalakihang mga punong kahoy. Presko rin ang paligid dahil sa ihip ng hangin. Wala kang maipipintas sa paligid.

Napalingon naman ako isang mayabong na halamanan ng gumalaw ito. Tinitigan ko itong mabuti hanggang sa may lumabas na kulay puting kuneho dito. Akmang lalapitan ko sana ito ng tumakbo ito palayo.

" Teka sandali! " Sinundan ko ito pero hindi ko na ito naabutan.

Nilingon ko naman ang daan kung saan ako nanggaling pero masyado na akong malayo sa pinanggalingan ko. Ipinag-kibit balikat ko nalang ito at nanlalaki ang mata ng may marinig akong lagaslas ng tubig. Sinundan ko ang tunog nito at napadpad ako sa isang maliit na batis.

Kumikinang ang buong paligid at kumikislap ang tubig ng batis dahil sa sinag ng araw na tumatama dito. Nilapitan ko ito at inahawakan ang tubig. Napakalamig ng tubig, at mapakasarap maligo dito. Natigil lang ako sa paglalaro ng tubig sa batis ng may marinig na naman akong lagaslas ng tubig.

Pero ngayon naman ay parang nanggagaling sa mataas na bahagi ang tubig na bumabagsak sa lupa. Hinanap ko kung nasaan ito nanggaling. Hinawi ko ang iilang baging na humaharang sa daan ko at nakita ang isang hindi kataasang talon.

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now