Chapter 27

387 21 2
                                    

Chapter 27:

Iniwaglit ko nalang ito sa isipan ko dahil ayaw kong mas lalo pang masira ang araw ko dahil doon. Natatakot man ay pilit kong pinapatatag ang sarili ko. Hindi ako magpapadala sa takot na nararamdaman ko. Kinuha ko ang cellphone sa loob ng bulsa ng pantalon ko at hinanap ang numero ng kaibigan ko.

Pagkatapos ko siyang tawagan ay pinuntahan ko siya lugar na sinabi niya sa akin. Balak ko kasing sulitin ang araw na ito dahil babalik na akong Manila. Tsaka gusto ko ring makasama ang best friend ko dahil ilang araw na kaming hindi nagkikita.

Nakokonsenya na ako dahil isang buwan lang nga ang nilagi ko dito sa Poblacion pero bilang lang ang mga araw na kasama ko siya. Palagi kasi kaming magkasama ni Hades. Kanina lang ay nagpaalam ako kay sa kanya na mamamasyal muna ako kasama ang kaibigan ko.

Hindi naman kasi porket meron na akong kasintahan ay kakalimutan ko nalang ang kaibigan ko. Dahil bago pa dumating si Hades sa buhay ko ay ang kaibigan ko ang tanging kasa-kasama at karamay ko.

Hinanap ko si Trisha at hindi kalaunan ay nakita ko rin siyang nakaupo sa isang kainan. Maliit lang ito pero maraming tao ang nakapila. Marahan kong tinapik ang balikat nito at naupo sa upuang nakareserba sa akin.

" Oh! Mabuti at nandito ka na, nag-order na ako para sa ating dalawa " sambit nito sa akin

" Salamat " inilibot ko ang panginin sa buong paligid ng karinderya, merong mga lamesa na puwedeng magkasya ang 2-4 na tao, at merong mga condiments, tissue, at malilinis na kutsara at tinidor na nakalagay sa bawat mesa nito.

Habang sa mismong pasukan naman ng karenderya ay doon nakalagay ang hili-hilerang mga putahe. Hindi ko makakalimutan ang lugar na ito dahil dito kami madalas non kumain tuwing tanghalian pagkatapos ng klase namin.

" Naaalala mo pa ba ang lugar na ito Art? " Tanong nito sa akin. Tumingin naman ako dito at ngumiti

" Oo naman, dito tayo palaging kumakain non tuwing tanghalian pagkatapos ng klase natin " masayang sabi ko

" Tama ka, dito rin kayo palagi non kumakain dahil ayaw mong sa restaurant ka niya dalhin, dahil sabi mo ayaw mo gumastos pa siya " malungkot na sabi nito habang nadiretsong nakatingin sa mga mata ko.

" Huh? Anong sinasabi mo? Sinong siya?"

Trisha's POV

" Huh? Anong sinasabi mo? Sinong siya? " Naguguluhang tanong nito sa akin. Napailing at nalulungkot ko nalang itong tinignan. Nakakalungkot lang dahil ang iilan sa memorya niya ay hindi niya maalala.

Mga alaalang kailangan niyang malaman dahil laman non ang iilang senaryong may malaking naging parte sa kanya. Ang ala-alang nagpahirap sa kanilang dalawa. Gaano man ito kasama ay kailangan niyang alalahanin dahil ito ay naging bahagi ng pagkatao niya.

Dito ko siya dinala sa lugar na ito dahil gusto ko ng maalala NIYA na SIYA ng tuluyan. Tama na ang limang taong paghihirap ni Hades. Tama na ang limang taon puno ng sakit at pighati. Naawa na ako sa kanila, ang dating masaya nilang pagsasama ay bigla nalang gumulo dahil sa kanya.

Naaalala ko pa non noong naging sila na ni Hades.

~~~~~

Alas dose na ng tanghali at ginugutom na ako sa kakahintay kay Artemis. Mag-isa akong naka-upo sa isa sa mga lamesa dito sa karinderya na madalas naming pagkainan tuwing tanghali. Ayaw kasi naming makipagsiksikan sa loob ng cafeteria dahil halos ng estudyante ay doon kumakain.

Punong puno pa ang mga lamesa kaya nahihirapan ka talagang makahanap ng puwesto doon. Mas maganda dito dahil bukod sa presko ay makakahanap ka parin ng upuan. Punuan man ay hindi siya ganoon kagulo hindi tulad sa cafeteria. Bukod sa mura ay masarap pa ang mga pagpipilian mong nga ulam.

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now