Chapter 29
" S-sino ka ba talaga? Hades Vallderama " nanginginig na tanong ko rito. Sa mga naririnig ko ngayon, parang isang estranghero nalang sa akin si Hades. Hindi mali, dahil una palang wala na akong alam sa katauhan niya.
Napakagulo, ang gulo gulo na ng utak ko sa dami ng tanong na tumatakbo dito. Vallderama, katulad ng sinabi ng matandang albularyo ay may kung ano sa katauhan nila na hindi ko matukoy. Anong meron sa akin at wala ako ni isang maalala limang taon na ang nakakaraan. Ano ba talaga ang nangyari noon at galit na galit si Tata Seno ngayon.
Nakita kung bumuka ang bibig ni Hades na waring may sasabihin pero agad rin nitong isinara ang bibig. May gusto siyang sabihin pero ayaw niyang isa tinig. Ano ba ang pumipigil sa kanyang sabihin ang tungkol sa pagkatao nito.
" Art " napatingin ako sa taong nagbigkas ng pangalan ko.
Ang mga batang Vallderama nandito sila, kasama si Hayden na matiim na nakatingin sa kapatid nito. Dumapo naman ang paningin nito kay Tata Seno. Ang kaninang nagtataka nito mukha ay biglang dumilim.
" Seno " malamig na sabi nito. Ngumisi ang matanda at nagsalita.
" Hayden, magandang rin hapon sa iyo, hindi mo ba babatiin ang biyenan mo? " sabi nito na may halong sarkasmo
Hindi ito sinagot ni Hayden, kaya kumunot ang noo ng matanda.
" Tsk! Walang kang respeto sa nakakatanda "
" Respect? What a big word from you, my respect has been gone 5 years ago " seryosong sabi nito
Ngumiti ito ng hilaw at nagsalita. " Hindi ka parin nagbabago Hayden---" umiling ito sabay tingin ng matalim kay Hayden "---Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ng anak ko sayo. Oo may itsura at antas ka sa buhay, pero bakit hindi niya makita na isang kang halimaw. "
" I am not a monster, huwag mo akong igaya sayo " mariing sabi ni Hayden dito
" Hah! Hindi ba't dapat ako ang magsabi niyan sayo? Alam mo na sa ating dalawa ikaw! Kayo! Ang halimaw dito " dahil sa sinabi nito ay sumama ang tingin sa kanya ng nga batang Vallderama
" Seno, bakit hindi mo nalang kalimutan at tanggapin na wala na ang anak mo? Hindi kasalanan ni Hayden ang nangyari, lahat ay purong aksidente lamang " seryosong sabi ni Xyfer
" Kalimutan!? Sa tingin mo ba kaya kong kalimutan ang nag-iisa kong anak!? Madaling sabihin pero mahirap gawin! Madali lang yan sa inyong sabihin dahil wala kayong pakialam sa anak ko! Dahil simula't sapul! Alam kong may masama na kayong plano para sa anak ko!? " Galit itong tumingin kay Hayden " Hindi ba't gagawin niyong alay ang anak ko para sa sinasamba niyong demonyo!? Sa hari ninyo!! ang hari ng mga demonyo!! Ano nga bang pangalan non? Supremo? "
Parang huminto ang oras dahil sa sinabing yon ni Tata Seno. Maging ang mga Vallderama ay natigilan at para itong nakakakita ang multo dahil sa mga itsura nila. Namumutla at pinagpapawisan.
Hari ng mga demonyo? Supremo? Sino yon? Hindi ko siya maintidahan
" Noong araw na mangyari ang sinasabi niyong aksidente " yumuko ito at nanginginig ang boses na nagsalita " Noong araw na iyon ay ang araw rin kung saan ang hinihingi niyong palugit ay magtatapos, ang araw na iyon ay ang petsa kong saan iaalalay niyo ang anak ko sa sinasamba niyong diyos hindi ba!? Ang sabi niyo sa anak ko ay magbabakasyon lang kayo, pero hindi! Niloko mo ang anak ko!! Hindi kayo magbabakasyon noong araw na iyon dahil dadalhin mo siya sa Reinos De Los Diablos hindi ba? Pupunta kayong Isla Diablo para umuwi sa inyo!? "
" H-h-how? " Na-uutal na sabi ni Hayden
" Paano ko nalaman? Simple lang! Pina-imbestigahan ko ang pamilya niyo doon ko nalaman ang totoo! Mga kampon kayo ang kadiliman!! " Unti-unting nanginig ang boses nito at kalaunan ay napalunod sabay tingala sa kalangitan at umiyak " A-ang a-anak k-ko, k-kinuha niyo ang b-buhay ng a-anak ko!!! Mga h*yop kayo!! Sinabihan ko ang anak ko tungkol sa mga nalalaman ko sa inyo pero anong sinabi niya!? Sinabi niyang malaki ang tiwala niya sa iyo na hindi ka niya ipapahamak! Dahil mahal mo siya! At nagmamahalan kayong dalawa. P*tang pagmamahal yan! Dahil p*nyetang pagmamahal sayo png anak ko ay namatay ito! "
" Shut up!! You know nothing!! Wala kang alam sa lahat ng nangyari kaya manahimik ka!!! Oo! Hindi kami tao! Pero may damdamin rin kami at kaya namin magmahal! Tama ka. Ang araw ring iyon ay ang araw kung saan ay magaganap ang pagtakas naming dalawa. Ang pagtakas ko sa kanya sa kamay ng mga demonyong hinahabol siya! Ang tao at demonyo ay hindi pwedeng mag-sama!! Dahil yon ang patakaran at kailangan sundin ng dalawang magkaibang lahi! That is bullsh*t!! I disobeyed our law and pursue my love for her, kahit alam kong hindi magiging madali ang pagsasama naming dalawa. " Kinagat nito ang pang-ibabang labi at unti-unting pumatak ang mata luha nito sa kanyang mga mata.
" Sumugal ako, alam ng lahat ang ginawa kong sakripisyo para lang sa babaeng minamahal ko pero ano ang nangyari? Pilit kaming pinaghiwalay noong araw na aalis na kami ay nilason ang utak ng mga kawal ni Supremo para layuan ako! Ginamit ang hipnotismo para talikuran niya ako at hindi sundin ang pinag-usapan naming dalawa!! Ikaw!? Kung hindi ka sana nakialam noong araw na iyon ay hindi rin sana nangyari ang trahedyang yon!! Kasalanan mo ang lahat kung bakit nawala sa akin ang pinakaminamahal ko! Kung hindi mo sana hinarangan ang saksakyan niya ay hindi mangyayari ang lahat ng ito " unting humina ang boses nito pagod na napaupo "S-san, s-sana masaya n-na kami ngayong nagsasama, sana'y hindi na naghihirap ngayon si Kuya dahil lang sa walang maalala ang babaeng mahal niya tungkol sa kanya, sana sana panaghinip nalang ang lahat ng ito " at tuluyan na itong humagugol.
Hindi ko siya kayang tignan na umiiiyak dahil nadadala ako. Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ko kasabay non ay ang pagyanig ng lupa at ang unti-unting paglakas ng hangin. Ganoon nalang ang gulat ko ng makita si Hades na nagbabagong anyo. Bigla itong tinubuan ng nahahabang kuko at sungay na nakaturo sa itaas. Kulay itim narin ang lahat ng kulay ng mata nito at lumabas mula sa likuran nito ang malalaking pakpak.
" H-hades " nahintatakutang sabi ko
Nakakatakot dahil parang wala siyang naririnig o pariringgang lang man dahil nakatuon ang matalim nitong mga mata sa Tata Seno na ngayon ay nanginginig na sa kinatatayuan nito. Biglang kumulog at kumidlat ng malakas na siyang nagpasakit ng ulo ko big. Unti unti akong napahawak sa sintido ko ng biglang sumakit ito, kasabay nito ang pagdaloy ng iba't-ibang imahe sa utak ko.
~~~~~
" Art!!!! Nasaan ka na!? " Rinig kong sigaw ng boses na nanggaling sa kung saan. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil walang boses na lumalabas sa bibig ko. Naluluhang napapikit ako dahil dito.
Kung makakasigaw man ako at kung merong boses na lalabas sa bibig ko ay alam ko namang hindi nila ako maririnig. Sa lakas ng buhos ng ulan at dagundong ng kulog, samahan mo pa ang malakas na kidlat ay imposibleng mangyari yon.
Mahigpit akong napakapit sa munting sanga ng halaman na nangsisilbing kapitan ko sa gilid ng mapanganib na bangin. Sa gitna ng gabing madilim ay heto ako't nakabitin sa napakataas na bangin. Mas lalo pa akong lumuha ng maramdaman ang unti-unting pagdausdos ng kamay ko mula sa kinakapitang halaman.
Ano mang higpit ng kapit ko ay dumadausdos talaga ang kamay ko rito. Nanganglay narin ako dahil sa dami ng sugat ko sa kamay. Nahihilo at sumasakit ang buong katawan ko dulot ng pagkakatapon ko muna sa sinasakyang pampasaherong bus. Lumakas pa lalo ang iyak ko ng makita ang pagkabuwag ng sanga ng halaman mula sa ugat nito.
' Hanggang dito nalang ba ang buhay ko? Hanggang dito nalang ba ako? Kung alam ko lang na hanggang dito nalang ang itatagal ng buhay ko ay ginawa ko na lahat ng masasayang gaawin habang buhay pa ako, pinagsisisihan kong hindi manlang aking nakinig sa paliwanag ng taong mahal ko, lubos akong nagsisi sa padalos dalos na desisyong nagawa ko, kung sana ay bibigyan ako ng ikalawang pagkakataon ay itatama ko lahat ng pagkakamali ko '
Napabitaw na ako sa kinakapatang sanga at unti-unti ng nahuhulog sa bangin. Natanaw ko pa mula sa taas ang mga kaibigan ko at maging ang lalaking mahal ko na umiiyak na nakatanaw sa akin. Nanlaki ang mata ko ng nakita na akma itong tatalon para sundan ako. Tumalon ito mula sa mataas na bangin ng walang pag-aalinlangan at nakita ko ang unti-unting pagbabago ng itsura nito.
Nakaroon ito ng napakalaking pakpak sa likuran nito, tinubuan rin ito ng mahabang sungay at ang mga berdeng mga mata nito naging kulay itim. Akmang aabutin na nito ang kamay ko ng maramdaman ko ang malakas ng pagbagsak ng katawan ko sa lupa at ang huling naalala ko ay ang pagsigaw ng lalaking mahal ko ng puno ng sakit at pagsisisi hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay
~~~~~
YOU ARE READING
Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin
FantasíaLugar kung saan nagsimula ang lahat at sa akin ay nagpahirap Ang lugar na siyang puno't dulo ng lahat Lugar na siyang naging saksi sa sakit, saya at lungkot na aking naradarama Ang Poblacion San Juaquin na naging saksi sa pag-iibigan naming dalawa S...