Chapter 3

657 35 0
                                    

Chapter 3

Habang nakahiga sa kama ay napapa-isip parin ako kung sino ang anino na nakita ko kanina. Hanggang ngayon kasi ay kinikilabutan parin ako. Bigla akong tumingin sa pusa na nasa ibabaw ng tiyan ko na nakahiga.

Saan kaya to nanggaling? tsaka nakakapagtaka naman na bigla bigla nalang ito sumulpot sa kung saan. Hindi kaya-- nah! Hindi naman siguro Aswang ang pusa nato diba?

Natatakot na tuloy ako baka naman mamaya kapag matutulog na ako ay bigla nalang ako nitong lapain. Hay kung ano ano nalang ang pumapasok sa ulo ko baka gutom lang to.

Tinitigan kung maigi ang pusa pero wala naman talagang kakaiba rito. Habang tinignan ko ito ay tumingin rin ito pabalik sa akin. Ang berde nitong mata na mapupungay na nakatingin sa akin na parang nang-aakit. Biglang gumalaw galaw ang dalawang tenga nito at itinaas ng bahagya ang ulo nitong nakahilig sa tiyan ko.

Para itong may naririnig na kung ano. Bigla itong lumingon sa nakasaradong bintana at tinitigan nitong mabuti.

" Meow "

Tumingin ako sa bintana na naka-kunot noo.
Ibinalik ko ang tingin sa pusa. 'Ano kayang nakikita niya at naririnig niya? ' ilang sandali lang ay biglang nag-sitatahol ang mga aso ng kapitbahay namin. May naririnig rin akong konting kalampag at kaluskos sa bawat bubungan ng kapit bahay namin.

Dahil sa narinig ay bigla akong napabangon sa pagkakahiga. Bigla akong napatili ng may kung anong nahulog sa bubungan namin. Tumingala ako at nakita ang pagkakayupi ng bubungan namin na parang inaapakan ng kung sino.

Maya maya pa ay narinig akong ingay na nanggaling sa bintana ng kuwarto ko, para itong hinihingal, ang bawat paghinga nito ay parang nanggagaling sa pinaka-ilalaliman ng lupa. Nangingig man ay pilit kong kinukuha ang pusang tumalon sa tiyan ko ng bigla nalang akong napa-upo kanina.

Nanlalambot man ang tuhod ay dahan dahan akong tumayo at naglakad palabas ng kuwarto ko na walang ginagawang ingay. Pero bago pa ako makalapit sa pinto ay bigla nalang itong bumukas at tumambad sa akin ang nag-aalalang tingin saakin nila Tatay.

May dala sila mga mahahabang kawayan na matutulis ang dulo, buntot ng pagi, at isang holy water? Bigla akong hinila ni nanay ng may kung ano nanamang lumagapak sa bubong namin. Parang bibigay na ang bubongan namin sa lakas ng pagkakahulog nito.

Umiiyak narin ang mga kapatid ko,natatakot sa posibleng mangyari.

" ALAM NAMIN KUNG SINO KAYO!! HUWAG KAYONG MAGKAKAMALI NA SAKTAN ANG PAMILYA KO KUNG HINDI MAGKAKAMATAYAN TAYO!! " nanggagaliting sigaw ni tatay sabay hampas ng buntot ng pagi sa dingding ng pader namin.

Biglang tumahimik ang paligid, kahit huni ng mga insekto ay wala kang maririnig. Ang kaninang maiingay na aso ay tumahimik. Hanggang sa isang pagaspas ang narinig namin, pagaspas na papalayo sa bahay namin.

Nakahinga kami ng malalim ng mawala Ito. Niyaya kami ni nanay na kakain na raw Kami, pero hindi ko alam kong makakakain pa ba ako sa sorbang kaba na nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay mabibingi ako sa lakas natambol ng dibdib ko.

Bumaba na kami dumiretso sa kusina. Nakahanda na ang mga pagkain at nakaayos narin ang mesa kulang nalang talaga ang kakain. Hanggang ngayon ay hindi ko parin ako nagsasalita kung ano ba talaga ang mga nangyayari. Marami akong gustong itanong pero isasawalang bahala ko nalang ito.

Umupo kami sa hapag kainan at nagsimula ng kumain. Tahimik ang buong hapag tanging tunog lang ng kutsara at tinidor ang maririnig mo. Wala ni isang nagsasalita kaya naglakas ako ng loob na magsalita na tungkol sa gumulo sa isipan ko.

" Ehem! " Tikhim ko. Nagsitinginan sila nanay sa akin dahil sa ginawa kong ingay kaya nagsalita na ako.

" Nay, Tay? Ano ba talaga ang nangyayari sa Poblacion? Ano yung tunog na narinig natin kanina? Bakit ang daming namamatay na mga kababaihan? B-bakit takot ang karamihan na pumunta dito? Ano ba talaga ang nangyayari? " Naguguluhang tanong ko

Ang Aswang Sa Poblacion San Joaquin Where stories live. Discover now