"What?" Napaunat ng upo si Liza. Gulat na napatingin sa mga magulang. All this time, alam ng mga ito kung sino ang ama ng kanyang anak at inilihim nila ito sa kanya! Maang na napailing siya. "Why you didn't tell me—Oh My God!" di makapaniwala niyang usal.
Sapo ng isang palad ang noo ay naglakad siya paroo't parito. Trying to take in everything her parents said to her.
"Hija, please understand..." nahihirapang wika ni Ronwel. Trying to be calm. "We did what we thought was best for you. You open your eyes with no memories. You're so confused and traumatized, and—" he sighed. "Your mother and I hoped you would soon recover all your memories, but..." Hindi na alam kung ano ang sasabihin. His wife gently squeezed his arms while smiling and giving him a reassuring look. Somehow, ay naalis ang bigat sa kanyang dibdib.
Ilang beses na napahugot at napabuga ng hininga si Liza. She was doing everything in her power to keep the rage building up inside her under control.
Nais niya man magalit sa mga magulang niya ay hindi niya magawa. Sa loob ng limang taon ay puro pagmamahal at pag-unawa ang ipinadama ng mga ito sa kanya at sa anak na si Zion. They love her so much. Kung inilihim man nila ang tungkol sa kanyang nakaraan, sigurado siya na nais lang siya protektahan ng mga ito.
"Uh, what was that guy's name again?" Lingon niya sa mga ito. Medyo malabo ang pagkakadinig niya kanina.
Karen smiled at her. "It's Harry, anak..." she said softly, "Harry Fortaleza."
Pinaandar ni Liza ang utak. Pilit inaalala ang kapilas ng kanyang kahapon gamit ang pangalang kanyang narinig.
Ngunit wala.
Wala siyang may maalala ni katiting man lang.
Ngunit bakit ganun?
Bakit biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso? Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang pananabik na biglang bumangon sa kanyang dibdib. A strong feeling of need. She gets chills and a warm feeling in her heart simultaneously. Bigla niyang nayakap ang sarili. Naninindig ang kanyang balahibo. Hindi sa pangingilabot. It's a delicious kind of feeling. Napailing siya. "D-Did he know I was alive?" she asked her parents.
Ipinagtapat ng mga magulang na pinalabas nila na isa siya sa mga namatay sa nalunod na barko, five years ago. Ang alam ng mga nakakakilala sa kanya sa Pilipinas ay matagal na siyang patay.
Nagkatinginan ang mag-asawa pagkuway napatango. "We told his parents. I think, ipinagtapat na rin nila iyon kay Harry." her mom said.
Again, hearing his name gave her a strange feeling in her heart and body. Napailing-iling siya. Hindi niya maunawaan ang nararamdaman. "S-Si Zion..." Tila nanginginig ang kanyang boses. "Alam ba niya ang tungkol kay Zion?"
A part of her was happy knowing na may isasagot na siya sa anak pag nag tanong ito tungkol sa ama. Lumalaki na si Zion and he's brilliant. May mga pagkakataon na nagtataka ito dahil wala itong may matawag na daddy ngunit mabilis niyang inililihis ang atensyon nito.
"I believe he already knew it by now, hija," Ronwel said.
Napabuntong-hininga siya at tila nanghihina na napaupo sa sofa. "And you want us to return to the Philippines?" she asked, almost whispering.
"Yes, anak. Next week we will be going home to Villa Grande." Ronwel confirmed.
Villa Grande?
That place sounds so familiar. Hindi pa man sila nakakauwi ay nararamdaman niya na na magugustuhan niya ang lugar na iyon. Maybe, naging malaking bahagi ng kanyang nakaraan ang nasabing lugar.
"You'll love the place, anak; I remember how much you adore the peachy ocean of the villa at sunset." wika ni Karen.
Naguguluhang nasapo niya ng dalawang palad ang mukha. Bakit kasi wala siyang may maalala. She feels so lost. Naramdaman niya ang paglapit ng kanyang mga magulang. Tinabihan siya ng mga ito sa sofa. She's in the middle.
BINABASA MO ANG
Bewildered 🌸 (kja)
RomanceIt seems like every girl in town has their eye on Harry Fortaleza. He is both extremely wealthy and strikingly good-looking. He reigned supreme over the entire world with undying grandeur. He was successful in all areas of his life, and the beautifu...