The Possessive Billionaire

371 10 0
                                    

Liza received another bouquet of roses from Gerald the following morning na nasundan pa nang maraming beses. While other girls found it sweet, siya naman ay nababahala. Napapansin niya na naging obsessive na ito sa kanya to the point na pinagsisiksikan na nito ang sarili. There are instances na nagiging pisikal na ang pakikipaglapit nito sa kanya.

Napabuntong hininga siya. Kailangan niya nang kausapin si Gerald na itigil na nito ang ginagawa dahil hindi na siya nasisiyahan.

Bagamat nasasayangan sa bulaklak ay itinapon niya iyon sa basurahan. Hindi niya maipaliwanag ang kakaibang nararamdaman sa binata. Kinikilabutan siya. Nagsimula iyon nang mapansin niyang palaging nag-uusap sina Gerald at Ellen. Pakiramdam niya ay may binabalak silang hindi niya magugustuhan.

O baka na pa-praning lang siya?

Nasa malalim siyang pag-iisip kaya hindi niya namalayang may nakasunod sa kanyang likuran. Nauna nang nasundo ang kanyang mga kaibigan at naiwan siyang naghihintay kay Harry sa lobby ng school. Ngayon lang ito na late sa pagsundo sa kanya. Malamang may emergency ito sa trabaho.

May ilang mga guro at mga estudyante na naroon na tulad niya ay naghihintay din ng sundo.

Muntik na siyang mapatili nang biglang may umakbay sa kanya. Nagulat siya nang makita kung sino iyon.

"Gerald?"

"Hello, beautiful," he said and flashed a grin. "It looks like nakalimutan kang sunduin—"

"He will come." putol niya sa sinasabi nito at inalis ang braso nito mula sa pagkaka-akbay sa kanya.

His face turns dark ngunit agad din nitong hinalinan ng pekeng ngiti. "Oh, come on, Liza, I can drop you home, sumama kana," wika nito at muli siyang inakbayan.

Nais ni Liza na alisin ang braso nito sa kanya ngunit kinabig siya nito papalapit. "I insist. Come with me—"

"No," she said firmly. "And please take your hands off me." mahina ngunit may babala ang kanyang tono.

The look on his face brimmed with hurt and anger as he glanced at her. Saglit lang na dumaan ang galit sa mukha nito ngunit nakakatakot. Mas hinigpitan nito lalo ang pagkaka-akbay sa kanya.

"Liza—"

"I said take your hand off me, Geraldo!" she scowled.

Nang walang ano-ano ay may humugot kay Gerald at sumuntok sa mukha kaya patihaya itong bumagsak sa semento. Napatingin ang mga naroon sa kanilang direksyon at nagbulungan.

Gulat na napalingon ang dalaga. "Harry!" Nanlaki ang kanyang mga mata. Nakita niya ito na papunta sa direksyon ni Gerald para sumugod. Alertong tumakbo siya rito at hinawakan ito sa braso para pigilan. "No, no, Harry. Stop." pigil niya. Nahigit niya ang kanyang hininga nang makita ang galit sa mukha ni Harry. She had never seen him this furious.

Glaring at Gerald, Harry said, "You bastard."

Namamaga ang bibig ni Gerald dahil sa suntok ni Harry. Nakangiwi ito habang sapo iyon. Dahan-dahan itong tumayo at hinarap si Liza. He ignored Harry as though he didn't exist. "Liza..." Nagtangkang lumapit si Gerald kay Liza, but Harry shielded his body and hid her behind him.

"Don't you ever lay your fucking filthy hands on her." mahina ngunit mapanganib na wika ni Harry dito.

Dalawang guwardiya at isang guro ang lumapit sa kanila. Masuyong pinayuhan ng guro si Gerald to go peacefully. Mabigat sa loob na pinulot nito ang mga gamit sa semento at nilisan ang lobby.

Harry wrapped his protective arms around her waist and pulled her out of that place. "Stupid prat," he murmured.

Nang makapasok na sila sa loob ng kotse ay tila nasasakal na niluwagan nito ang suot na necktie at binuksan ang dalawang butones sa dibdib habang mahinang nagmumura.

Bewildered 🌸 (kja)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon