Chapter 17

262 17 6
                                    


"I'm home!"

Sigaw ko pagkapasok ng pinto. Agad na hinanap ng mga mata ko si Manang Ofelia. Hindi ko siya nakita sa labas, pagkapasok ko ng gate.

"Red? Ikaw ba 'yan hija?"

My gaze instantly turned to Manang Ofelia who was descending from the staircase. I waved my hand at her when her eyes landed on me.

"Naku, hindi ka na naman nagsabing bata ka na uuwi ka! Pinagluto sana kita ng tanghalian." Aniya nang makalapit siya sa 'kin. Nagmano ako sa kaniya.

"Kaawan ka ng Diyos, anak. Nagugutom ka ba? Ipagluluto muna kita ng tanghalian."

I shook my head at her. "Hindi na po kailangan, Manang, kumain na rin po kasi ako bago ako pumunta rito. Aalis din po ako kaagad, sinusundo ko lang ang kotse ko."

"Ganun ba? O, s'ya sige. Pero mabuti naman at umuwi ka dahil may dumating na delivery para sa'yo galing kay Jericha."

"'Isa rin po 'yan sa dahilan kung bakit umuwi ako. Ate called me yesterday about that. Nasaan po ba?"

"Nandun sa kwarto mo, hija."

"Okay po, Manang, thanks!"

I excused myself and went upstairs in haste to reach my room. Pagkapasok ko ay kaagad na nakita ko ang isang maliit na paper bag na kulay pula na nakapatong sa kama ko. Naupo ako sa kama saka tiningnan ang laman ng paper bag. There was a box inside which I took out of the paper bag and opened.

Sinubukan ko pang hulaan ang laman ng box. I thought it would be a jewelry or something but my eyes widened in surprise when I saw a miniature car. Natutop ko bigla ang bibig ko nang sa wakas ay mapagtanto ko kung anong sorpresa ang tinutukoy ni Ate. The last time she gave me a miniature car, she actually gave me the real car.

And this time, it was a Hennessey Venom F5 miniature car!

"No way," I said out of disbelief.

Dang! I can't believe this!

Mabilis na tiningnan ko kung may ibang laman pa ba ang paper bag at may nakatuping papel nga sa loob. Kaagad na kinuha ko 'yon at binuksan.

My dearest Red,

I'm sorry this arrived very late but you know delivering a Venom F5 will really take a long process, especially that it's going to be delivered there. This is my graduation gift to you, kiddo. I hope you like it and know that I'm always proud of you. I love you, little sister.

Love,
Ate

PS. I had to deliver the car to Sword's garage. Enjoy the speed, racer!

Impit akong napasigaw at tumalon-talon sa saya dahil nasigurado ko nang totoo talaga. Oh my gosh! One of dream cars! I really can't believe it!

I couldn't contain my happiness and excitement to see my dream car that I hastily put the box and the letter back in paper bag and headed downstairs. Nakasalubong ko si Manang Ofelia nang makababa na ako at lumiwanag ang mukha niya nang makita ang malapad kong ngiti.

"Mukhang masaya ka, 'nak ah," pansin niya.

"Yes, Manang, masayang-masaya! Ate surprised me with my dream car!" I squealed.

Naiiling na napangiti siya. "Si Jericha talaga, oo, ini-i-spoil ka talaga masyado ng kapatid mong 'yon. Pero masaya ako para sa 'yo, Red. Deserve mo 'yan."

Napangisi ako. "Hindi lang naman si Ate ang umi-i-spoil sa 'kin, eh. Kayo rin naman po, ah!"

Manang Ofelia laughed loudly at what I said. "Oo na, spoiled ka ng lahat kasi mahal ka namin. Lumaki ka namang mabuti kaya walang masama do'n."

Melancholic Tears Of Tear (PGS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon