Chapter 33

164 10 3
                                    


"Just like we expected, the missing girls weren't in Senator Gadiano's place."

Jade reported to me as soon as she entered my car. Tapos na ang party. Dash offered to drive me home but I just told him that I have to be somewhere else. Magkikita kasi kami ni Jade kapag tapos na ang party. 'Yun ang usapan. Isa pa, sumisikip lang ang dibdib ko sa tuwing nakikita ko ang masayang mukha ni Dash. Siguradong masasaktan siya sa gagawin ko.

I can't let him go... But I know, I need to.

"I'm sure they are being hidden somewhere else. Wala rin akong napansin na kakaiba habang nagbabantay sa mga surveillance cameras natin. Hindi rin dumating ang Black Queen."

Napatulala na lang ako habang nagsasalita si Jade. Leaving with Erin tomorrow, also means leaving this mission incomplete. Simula nang naging Phantom ako, hindi ako nagpabaya sa isang misyon at ginagawa ko lahat para matapos 'yon. I wanted to save the girls. I wanted to be there when they're being rescued. I wanted to see for myself that they're safe. Gusto kong siguraduhing nakauwi silang ng maayos sa kanilang mga pamilya.

"Master Tear?"

Napakurap na lang ako nang marinig ko ulit si Jade na tinatawag ako. When I looked at her, she was just staring at me questioningly.

"Come again?"

"Are you okay?"

I nodded. "Yes, I am."

"Are you sure? You look like something's bothering you. Is it the girls' safety? Don't worry, Master Tear, I'm still in contact with our undercover agent. Hindi pa raw nagbibigay ng utos si Senator Gadiano sa kanila kaya nasisiguro kong ligtas pa sila. Inaalam pa rin niya ngayon kung saan nila itinatago ang mga nawawalang babae... Maililigtas din natin sila."

Napatango-tango ako sa sinabi niya. Right, I know they can save them.

"Thank you, Jade," I muttered. Nagtataka naman niya akong tiningnan kaya umiling na lang ako't napangiti. "You've been a reliable agent. Marami kang natutulungan sa ginagawa mo, kaya ipagpatuloy mo lang 'yan. Alam kong marami ka pang matutulungan at malayo pa ang mararating mo."

Hindi siya nakapagsalita sa sinabi ko kaya napangiti ako't nagsalita ulit. "Mangako kang tatapusin ang misyon na 'to. Kahit ano man ang mangyari, iuuwi mo sila sa mga pamilya nila. Hmm?"

"Of course, Master. We will finish this mission and bring the girls back home."

"Mangako ka, Jade." Gusto kong mabawasan ang bigat sa dibdib ko sa pag-iwan ng misyong 'to. Gusto kong marinig na magagawa niyo silang iligtas kahit wala ako.

"I promise, Master Tear..."

"Thank you. You can go home, now. See you around, Jade."

Pagkatapos naming mag-usap ni Jade ay dumiretso na ako sa condo. Humiga ako sa kama ko at tumitig lang sa kisame na para bang naroon lahat ng sagot sa lahat ng mga iniisip ko. Pero nagbalik lang ulit ang usapan namin ni Erin kanina.

What happened to her after that night? Sino ang mga walang hiyang nagpahirap sa kaniya? Anong ginawa nila kay Erin? Isa rin ba ako sa mga nagpahirap sa kaniya dahil wala ako sa tabi niya noong mga panahon na 'yon? Pero hindi ko naman ginusto 'yon para sa kaniya. Ginawa ko naman ang makakaya ko para hanapin siya.

Nabiktima ako ng Black Queen dahil akala ko kapag pumayag ako sa gusto niya, mahahanap ko na si Erin. Even when I started training as a Phantom, tiniis ko ang hirap dahil gusto ko siyang iligtas, at para gawin 'yon, kinailangan kong maging malakas at magkaroon ng malawak na koneksyon. Pero hindi ko pa rin siya nahanap. Even with the help of Sword, I still couldn't find her.

Melancholic Tears Of Tear (PGS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon