Prologue

1K 29 1
                                    


"Ano 'to?!" Nakakarinding sigaw ni Tiya Rosita sa'kin.

Saglit na sumulyap ako kay Erin na nakayuko at nanginginig ang mga kamay.

"Sumagot ka! Bakit barya lang 'to?!" Galit na sigaw ulit ni Tiya Rosita habang nasa palad niya ang kakaunting barya na kinita namin mula sa panlilimos.

Napayuko ako at lihim na lang na umirap. Baka mapalo na naman ako 'pag nakita niyang iniirapan ko siya.

"Konti lang po kasi ang nalimos namin T'yang," sagot ko sa mahinang boses.

"Sinabi ko bang manlimos lang kayo? Bakit hindi kayo nagnakaw?!"

Hindi ako umimik kahit gustong-gusto ko na siyang sagutin. Kahit may kabuluhan pa ang sasabihin ko, kapag hindi niya 'yon nagustuhan ay ako lang din ang malalagot.

"Dahil na naman ba sa'yo Erin? Ha? Pumalpak ka na naman ba kaya hindi kayo nakapagnakaw?!" Asik niya sabay baling kay Erin na napaigtad dahil sa pagsigaw niya.

Tutungo na sana siya kay Erin nang magsalita ako.

"Hindi po T'yang! Walang kasalanan si Erin! Mukhang mas naging maingat lang po ang mga tao ngayon kaya hindi kami nakakita ng pagkakataon. Tsaka may pulis po kasing umaaligid sa may simbahan kanina kaya hindi na lang kami nagnakaw," pagdadahilan ko. Pero mas lalo lang yata siyang nagalit.

"Mga walang silbi! Pinapakain ko kayo, binibihisan at pinapatuloy sa bahay ko, tapos simpleng bagay lang ay hindi niyo pa magawa nang tama?! Malas talaga kayo sa buhay ko!"

Kinagat ko ang dila para pigilan ang sarili na sumagot sa kaniya, kahit pa kating-kati na ang bibig kong magsalita. Buti sana kung ako lang ang mapapalo, pero madadamay si Erin kaya pipiliin ko na lang manahimik.

"Kayo talaga ang salot sa buhay ko! Mga peste!"

Narinig ko ang pag-ring ng cellphone ni Tiya Rosita. Agad naman niya 'yong sinagot habang masama pa ring nakatitig sa amin.

"Hello!"

Pumasok siya sa maliit niyang kwarto kaya naiwan kaming dalawa ni Erin sa salas. Kaagad akong lumapit sa kaniya.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko.

Tumango naman siya ng ilang beses habang nakayuko pa rin. Bumuntong-hininga ako saka hinawakan ang kamay niya para kumalma siya.

"Sorry Raerae, dahil sa kapalpakan ko, napagalitan na naman tayo ni T'yang," aniya sa mahinang boses at nag-angat ng tingin sa akin.

"Shh! Baka marinig ka nun, mas lalo lang tayong malalagot. Tsaka sinabi ko naman na sa'yo na okay lang di ba? Huwag kang mag-alala... hindi niya man tayo pakainin ngayon, nagtabi naman ako ng sampung piso para may pambili tayong biskwit kung sakali," ngiti ko sa kaniya.

Tipid na napangiti lang siya at tumango. Alam kong sinisisi pa rin niya ang sarili niya kung bakit barya lang ang nabigay namin kay Tiya Rosita ngayon. Nang sinubukan kasi niyang magnakaw kanina ay nahuli siya nung lalaking kinupitan niya. Buti na lang at nakagawa ako ng paraan para makatakas siya sa pagkakahawak nung lalaki.

Nang makita ko kung gaano siya katakot pagkatapos ng nangyari, ay nanatili na lang kaming nakaupo sa may simbahan hanggang sa gumabi.

"Salamat Raerae," aniya.

Tumango ako sa kaniya sabay ngiti.

Parang tunay na kapatid na ang turing ko kay Erin. Parehas kasi kaming iniwan ng mga magulang namin sa pangangalaga ni Tiya Rosita. Namatay ang Nanay ko dahil sa sakit niya sa puso noong nakaraang taon at dahil lumaki akong walang ama at si Tiya Rosita na lang ang natitira naming kamag-anak, sa kaniya ako napunta.

Melancholic Tears Of Tear (PGS #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon