Dedicated to 'kathhinojales09' dahil sa patuloy na pagsuporta sa nakakalokong istoryang ito! XD Salamat! :))
*** Previously on 12WatMaHiFi<3 C10Medyo tampurorot pa rin si Eury kay Ian, kaya naman kinakailangan pang suyuin sya nito. Ayon sa readers ng baliw na otor, nakakakilig at nakakatawa daw ang mga nangyari. Sa huli ay tuwang tuwa ako at nakalimutan kong previously ito. XD Sa huli, umamin din si Eury kay Ian na nagseselos sya.
Chapter 11: 4th Way
"Ok, class. You may go." nagsitayuan na ang lahat ng kaklase ko. Malamang pati ako! Kayo talaga! Haha.
Makaalis na nga! XD
"Eury!" Lumingon ako sa tumawag.
"Yohan." tawag ko sa lalaking huminto sa harap ko.
"May gagawin ka ba?" tanong nya.
Nag-isip ako saglit.
"Uhh... Wala naman."
"Sama ka sa 'kin! Dali. May practice kami ng basketball."
"H-ha? Teka--" Hindi na ko nakareact ng hawakan nya ko sa kamay at hilahin.
Pero nagulat ako ng may biglang humarang sa harap namin. Dahilan para mapahinto kami.
"Sa 'kin sya sasabay."
Si Ian.
Hindi binibitiwan ni Yohan yung kamay ko.
Lumapit samin si Ian. "Excuse me." What the... Inagaw nya yung kamay ko kay Yohan!
At hinila nya ko sa kabilang way.
"Huy, Ian. May practice daw kayo ah."
"..."
"Ian naman! Dun yung gymnasium oh! Sa kabila! Wrong way ka! Ia-- OUCH." OA nareact ko. Bumungo lang naman ako sa likod nya!
Sakit ng ilong ko ha. -__-"
Lumingon sya sa 'kin.
Napakamot sya sa ulo nya, "Sabi ko nga." Problema nito?
"Bakit?" tanong nya nung mapansin nyang parang nagtataka ako.
Sumagot naman ako, "Ha? Ano... Bakit... Hawak mo pa rin yung kamay ko?"
BINABASA MO ANG
12 Ways To Make Him Fall In Love
Romance[DESCRIPTION] May nagugustuhan ka bang boy? ANG TANONG! MAY GUSTO BA SA 'YO? Gusto mo ba syang magkagusto sa 'yo? Kung ganon! Tama ang istoryang napili mo! Bakit di mo gayahin si Eureka na ginamit ang "12WatMaHiFi<3" para mabihag ang puso ni Chris...