"Bakit mo ginawa yon?!" tanong ko kay Ian na nakasunod sa 'kin kanina pa.
Pauwi na ako ngayon ng bahay at hindi ko pa rin talaga maintindihan tong lalaking to kung bakit nya ba sinabi sa lahat na liligawan nya ko?!
Huminto ako at nilingon sya... "Ganon mo ba ko kagusto?" Isa pang tanong ko sa kanya.
"Hindi mo ba alam?" Seryosong sagot nya sa 'kin.
Parang bumalik yung familiar feeling sa 'kin.
"You're blushing." Sabi nya na may malokong ngiti.
Tinuro ko ang sarili ko. "A-ako?! Nagb-blush? Hah! Kala mo kung sinong gwapo." Sagot ko at tinalikuran ko sya at lumakad ulit.
Ganon ba ka-effective yung 12 Ways?
Hindi eh! Dahil alam ni Ian yung tungkol dun!
Gusto ba talaga ko ni Ian?
WAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!! Mababaliw na yata ako kakaisip.
Huminto ako then I realized one thing... nilingon ko si Ian.
"Bakit mo ko sinusundan?! HA?!" Tanong ko sa kanya.
"Bakit ang sungit sungit mo?" Aba! At ako pa ang masungit!
"Ganon?! Haaay!! Ewan ko ba kung bakit kita nagustuhan!" Then I saw his smile.
Oops.
"Anong nginingiti ngiti mo dyan?!" tanong ko na naman sa kanya.
"Wala. Yung nililigawan ko kasi, nakakaengganyo." Nakangiting sabi nya sa 'kin. At tingnan nyo nga naman, ginawa pa kong clown.
Lumapit ako sa kanya ng nakasimangot at sya ay ngiting ngiti naman talaga.
"HINDI AKO CLOWN!" Sigaw ko sa kanya at buong lakas kong inapakan ang paa nya.
"AARAAAAAY!" Reklamo nya at saka ko naglakad ulit. "EURY!" Tawag nya sakin "HOY EUREKA!! GLIFFOOOORD!!!" Pero hindi ko sya nilingon!
Akala ko nga galit sya sakin dahil di na sya sumusunod sa kin nung gawin ko yung super kick ko.
Pero may isinagaw pa sya na nakapagpangiti naman talaga sakin.
"INGAT SA PAG - UWI!"
---
Kinabukasan, sinamahan ako ni Mama para sa check up. At hindi naman matigil ang pagtunog ng cellphone ko! So isinilent ko para tumahimik.
Nung matapos yung check up ko. Finally, umuwi kami ni Mama at dumiretso ako sa kwarto ko and tadaaaaaaaaaaaaaa.
*BZZZZT. BZZZZT. BZZZZT*
Sinagot ko yung cellphone ko. "ANO BA?!" Sigaw ko kay Ian na nakarami talaga ng tawag sa 'kin.
"Miss you." Natahimik ako bigla sa sinabi nya. Sinigawan ko na nga sya tapos miss you pa sasagot nya sa 'kin?! "Wala bang 'I miss you too'?"
ASGASKJSERKARTOJWR! "WALA!" Sagot ko then I ended the call.
*BZZZT BZZZT BZZZT*
BINABASA MO ANG
12 Ways To Make Him Fall In Love
Romance[DESCRIPTION] May nagugustuhan ka bang boy? ANG TANONG! MAY GUSTO BA SA 'YO? Gusto mo ba syang magkagusto sa 'yo? Kung ganon! Tama ang istoryang napili mo! Bakit di mo gayahin si Eureka na ginamit ang "12WatMaHiFi<3" para mabihag ang puso ni Chris...