12WatMaHiFi<3 Chapter XVI

930 34 9
                                    

No dedication for this chapter.

Previously on 12WatMaHiFi

Naranasan ni Eury ang sweetness kapag naliligo sa ulan. Bukod pa don, may nalaman din syang isang bagay na sa tingin nya ay hindi nya malilimutan. At iyon ay ang sign na... ':*'. Hahaha! Enjoy reading! :)

CHRISTIAN ARIEL sa side. Pa-kiss daw! Hahaha. XD

Chapter 16

Mabilis na tumakbo ang mga araw. Aba. Akalain mo nga naman ng January na. At katatapos lang ng new year.

Pero syempre mabagal yun para sa 'kin. -___-

*KRIIING KRIIING*

"Eurrryyyy! May tawag ka!" Sigaw ni Mama galing sa baba.

At dahil nasa taas ako, dito na ko nag-connect.

"Pakibaba mo na po dyan, Ma! Salamat po!"

(Hello! Eury! Punta ka sa unit ko! ^___^) Sa tono ng pananalita, alam ko na kung sino at kita ko na ang mukha nya sa isip ko. XD

"Bakit po, Ate Criselle?"

(I have a surprise for you!)

---

Nagbyahe na ko papuntang Eastwood. Dun pa kasi yung condo unit ni Ate Cris.

Grabe. Iba na talaga pag may achievement. She's so young pero may isa na syang bahay at nakabili pa sya ng unit. She's a manager of foreign models, at the age of 20. YES. 20.

Pumasok na ko. At pumunta sa unit nya.

"Hi!" bati ni Ate Criselle at pinapasok na ko.

"Ano pong gagawin natin dito?" I asked.

"What? Not here. You'll have your first photoshoot. Kaya tara na!" she said sabay kuha ng bag at hila sakin.

PHOTOSHOOT?!

O____O

FOR WHAT?

---

"This is Kuya Ed, our photographer. This is Ja, Sha, Julie, Harry, Coleen, blah blah blah." Sobrang daming pinapakilala ni Ate Criselle. Nakakahilo. Hindi ko matandaan silang lahat.

Ang tanging natandaan ko lang ay si Kuya Ed the photographer. Medyo may pagka - silahis. Yung tipong denial ba. Lol.

"Napakatagal naman nya! Patay sya sa 'kin mamaya!" reklamo ni Ate Criselle habang nagttype sa phone.

"Ok ka lang, Ate?" tanong ko.

"Ah. Yeah. Yeah. I'm fine." sagot nya habang pumipindot pa din sa phone nya.

Oo nga pala. Ito yung photoshoot para sa school pageant. Ang sosyal. Si Kuya Ed, sya ang rank 1 sa pagkukuha ng mga litrato sa Philippines.

"FINALLY!" Halos mapatalon ako sa pagsigaw ni Ate Cris. "You're here." mataray na sabi nya habang naka-cross arms at nakatingin sa pinto ng studio.

Kaya naman napasunod ang tingin ko sa may pinto.

"Oh. Hi, Eury!" Parang gusto kong malaglag sa upuan ko dahil sa paglipat ng tingin sa 'kin ng lahat ng tao dito.

12 Ways To Make Him Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon