12WatMaHiFi<3 Chapter XXII: 12th Way

755 29 11
                                    

Dedicated to Ate Ara Pamatmat! :D Napakasupportive po nya sa 'kin. :""""> And Ate, JJ na lang po itawag mo sakin, PLEASE? ^_____^ Love you and thank you, Ate! :*

Chapter 22

Nakatulog ako sa sama ng loob at nagising din na masama ang loob.

Lumabas ako. Aba! Wala akong balak magkulong buong araw sa kwarto ko.

Aaminin ko, paglabas ko, hinahanap ko si Ian. I went through the kitchen and may nakita akong foods sa table at may note.

"Hindi mo man tanggapin ang sorry ko. I'll make you fall harder... For REAL."

Hindi ko alam pero kinilabutan talaga ko! Alam nyo yung parang nasa likod ko lang sya at bumubulong sa tenga ko na parang nang-aakit!

Kainis! Binalewala ko yung note at nagbihis dahil nakareceive ako ng text from Ate Criselle na may photoshoot na naman daw namin.

Ayaw ko man pumunta, pero kailangan.

Gusto ko na ngang mag – quit e, pero I just know how to keep my promise!

Nag – ayos ako at paglabas ko, napanganga ako sa nakita ko. Kasabay noon ang pagkulo ng dugo ko!

“Ano na namang ginagawa mo dito?!” paangil na tanong k okay Ian.

“Sinusundo ang girlfriend ko?” Nakangiting sabi nya. Kung hindi siguro kami magkaaway, malamang magtatalon ako sa kilig! Kaso!!! Magkaaway kami e!

Lumabas ako at lumapit sa kanya. “Kanino ‘yan? Ninakaw mo?” Tanong ko sa kanya habang nakatingin ako sa sinasandalan nyang Honda CR-Z. Juskoooooooo!!! Bagong labas lang, meron na agad sya? >______<

Inakbayan nya ko at, “Kung gusto mo bang magnakaw ako para sa ‘yo, nanakawin ko talaga.” Swabeng sabi nya. Buset!

Tinapik ko ‘yung braso nyang nakaakbay sa ‘kin. “Wag mo nga kong akbayan!” Sabi ko at inirapan sya tapos nilagpasan ko sya at naglakad na.

Narinig ko pa yung mga yabag nya na papunta sa ‘kin at…

“Aaahhhhh!!! Ano ba!” Reklamo ko ng binuhat nya ko. Pinaghahampas ko sya saa dibdib nya. “Ibaba mo ko!” Pinandilatan ko sya pero walang nagawa ang malalaki kong mata. Pinasok nya ko sa loob ng CR-Z.

Wala na kong nagawa. Pagpasok nya, nagulat ako ng bigla syang lumapit sa ‘kin… at kinabit ang seatbelt ko. Akala ko ‘yung lang yung gagawin nya…

Pero tumigil pa sya sa harap ko at tinitigan ako ng nakangiti!

Gosh! Ang init. “Umayos ka na nga!” inis na sabi ko at tinutulak sya sa may dibdib.

 

“Still love me, huh?” Parang bigla akong nagkaroon ng gamunggong pawis sa sinabi nya.

12 Ways To Make Him Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon