Previously on 12WatMaHiFi<3 C13…
Hindi mapakali si Eury sa kakaisip at kakahanap ng regalo na ibibigay nya sa birthday ni Ian. Nagkaroon pa sya ng problema sa invitation. Sa banding huli, gusto ni Ian na pumunta si Eureka sa party at masaya na si Ian dun. Pero nagpahabol si Ian na mas maganda kung magsusuot si Eureka ng damit na may nakalagay na ”I love you, Christian.”.
12WatMaHiFi<3 Chapter XIV: 5th Way
(Nasa gilid po yung suot na dress ni Eury. :3)
Higanteng gate. Mala – mansion na bahay. Sosyal na design.
Birthday celeb ni Ian. Ganito? Weird.
Nandito na ko sa tapat ng mala – higanteng gate nila Ian. Nakakalula. Nasa labas pa lang ako pero kitang kita ko na marami ng tao sa loob.
Lumapit na ko sa may guard para i – check ang gamit ko.
”Invitation nyo po, Ma’am?” tanong nya.
Naku, lagot.
”Manong!” napalingon kami pareho ni Manong sa tumawag.
At naging kasing liwanag ng meralco ang buhay ko ngayon.
“Yohan!” Sigaw ko din.
Tumatakbo sya palapit sa amin ni Manong Guard.
“Kasama ko po sya, Manong. Special guest po.” nakangiting sabi ni Yohan.
”Ganun ba, Sige. Pumasok ka na Ms.”
Pagkasabi ni Manong na pumasok na kami. Pumasok na agad kami! Baka magbago pa isip nun e, mahirap na, aba!
“Yohan... Ganito ba talaga mag celebrate ang pamilya nila Ian pag may birthday?” tanong ko.
“Birthday?” natatawang tanong nya. “Partly, birthday nga ni Ian pero sa tingin mo ba papayag si Ian magcelebrate ng ganito?” sabi nya.
“May point ka nga. Masyado tong pang – bading para sa birthday ni Ian.” Sagot ko naman at nagtawanan kaming dalawa.
“Halika, ihahatid kita sa loob. Nagkukulong si Ian dun sa kwarto nya. Ikaw lang yata ang makakapagpalabas sa kanya dun.” Ayaw lumabas? Something is getting weirder and weirder. I swear.
***
BINABASA MO ANG
12 Ways To Make Him Fall In Love
Romance[DESCRIPTION] May nagugustuhan ka bang boy? ANG TANONG! MAY GUSTO BA SA 'YO? Gusto mo ba syang magkagusto sa 'yo? Kung ganon! Tama ang istoryang napili mo! Bakit di mo gayahin si Eureka na ginamit ang "12WatMaHiFi<3" para mabihag ang puso ni Chris...