Dedicated to ElissGalvez. Didn't really know she's supporting this. Hihih. Thank you, my dear. :* Love you. ;)
Chapter 21
Buong araw akong nagkukulong sa kwarto ko. Hindi ako pumasok. Ayokong malaman kung sino ‘yung kausap ni Ian kahapon.
At ayaw kong pumasok ng school ng maga ang mata ko. Gladly, wala ang parents ko, nasa isang business meeting sila sa Cebu at next day pa ang uwi nila. Ngayon ko naramdaman na, gusto kong mapag – isa.
Binuksan ko ‘yung drawer ko at kinuha ‘yung magazine about 12 ways to make him fall in love. I looked at the 11th way.
11th Way: Make Him Worry
I bitterly laughed. Does he? Kailan pa sya nag – alala sakin? Although, ipinapakita nyang worried sya, totoo ba lahat ng nakita ko? You know… looks can be deceiving!
I don’t have the guts anymore para ituloy pa ‘tong ways na to. So I continued reading…
And for Pete’s sake! Gusto kong maiyak ulit ng makita ko ang 12th way.
Final move: BE YOURSELF
Matic na tumulo ‘yung luha ko sa nabasa ko. Remembering all of those! Hindi ko alam kung ako nga ba ‘yun. This ways made me do those things then suddenly, sasabihin nyang… BE YOURSELF! Sh*t.
Iyak ako ng iyak. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at nagising ako kinabukasan na pakiramdam ko, bagong bago ako. I don’t know why. Nag – ayos ako at pumasok sa school as if walang nangyari.
The only difference is… iniiwasan kong magkita kami.
“Eury!” Speaking of pag – iwas, nandito na sya!
“Ano ‘yon?” Walang gana kong tanong kay Ian. Pakiramdam ko, pagod na pagod ako.
“Let’s talk.” He said and you know what? He looks veryyyyyy worried. Psh.
“We’re talking.” Sabi ko. Tama naman diba? Anong klaseng usap gusto nya?
“Sorry na. You know… I love you and ---”
“Shut up, Ian.” Sabi ko sa kanya. “Kung sino man sya, I don’t care. Gawin nyo gusto nyo.” Sabi ko and tinalikuran na sya.
“Sandali!” Dahil uto uto ako, tumigil ako sa paglalakad. At iniintay ‘yung susunod na sasabihin nya… which I NEVER EVER expected.
“How about the ways?” Ways? WAYS!?
Nilingon ko sya. “You knew about the ways?” Hindi makapaniwalang tanong ko.
“Yeah… but I love you!” HAH! Tama na please, Ian?! At heto na naman yung mga pasaway kong luha, mukhang gusto ng magpakita. “I love you…”
“That’s cheating, Ian!” Galit na sabi ko sa kanya at iniwan sya.
Pumunta ako sa isang lugar kung saan hindi nya ako masusundan, ang CR ng girls.
I cried and cried and cried a lot. Nung makalma ko ang sarili ko, lumabas ako at nakita ko si Yohan na nag – aabang sa labas.
“Here.” Sabi ni Yohan sabay abot sa ‘kin ng shades.
Sinamaan ko sya ng tingin at naiiyak na naman ako. At last, naramdaman ko rin na may kakampi ako.
Sinuot ko ‘yung shades at umalis kasama sya.
“Si Iya?” kalmadong tanong ko. At nagulat naman ako ng huminto si Yohan sa paglalakad. Huminto ako at nilingon sya. “Bakit?” Tanong ko.
Naglakad na ulit sya. “Wala.” Sagot nya. ‘’Tara na, ihahatid kita sa room nyo. Utos ‘yun sa ’kin ni Iya.” Hindi na ko sumagot at naglakad na lang kami. Nung nasa tapat na kami ng room, I asked Yohan about something.
“Yohan…” Panimula ko. “Mali ba ko?” Tanong ko. At alam kong alam nya na ang sinasabi ko.
“Wag ka na lang mag – isip ng sobra.” Nakangiting sabi nya.
“Do you know about 12 ways to make him fall in love?” Tanong ko sa kanya na naging dahian para kumunot ‘yung noo nya. So… hindi nya alam. Mas lalo ko lang naramdaman na niloko ako ng isang Christian Ariel. “Forget it.” Sabi ko at pumasok na pero may pahabol pa si Yohan.
“Just be yourself, Eury.” Sabi nya na nagpahinto sa ‘kin. Pero nung makita ako ni Iya na mukhang nag – aalala, nawala na lahat ng isipin ko.
Hindi ko alam ‘yung sense ng pagpasok ko, halos wala naman akong naintindihan. After class, lumabas na ko agad. Gusto ko ng umuwi at matulog na lang.
I was expecting someone na sumusunod sa ‘kin at nangungulit pero wala. Did he give up just like that?
Oh c’mon Eury, di ba yun naman ang gusto mo? Nag-taxi na ko papunta sa ‘min dahil tamad na tamad talaga ako at ayokong mairita.
Pag – uwi ko ng bahay, gusto ko na agad dumiretso ng kama ko at matulog pero nagulat ako na bukas ang bahay namin! Aba! Nandito na ba sila Papa? O baka nanakawan na kami?
Kinuha ko ‘yung phone ko para tawagan si Mama bago pumasok and to my surprise!
(Hija!!! Nasa bahay ka na ba? I sent someone to take care of you! Dito muna kami until Sunday. Take care, Honey. Bye.) And the call ended.
Hindi man lang ako nakapagsalita? -____- I decided to enter the house since it’s safe naman pala.
“Hello?” Tawag ko para malaman ng kung sino mang kinuha ni Mama na I’m hooooome.
“Eury…” Napalingon ako sa likod ko and shocked when I saw Ian. May dala dala syang foods (takeout from Chowking) at pumasok sya.
“Anong ginagawa mo dito?” Pagalit na tanong ko. “Kung ikaw man ‘yung napagutusan ng parents ko, makakaalis ka na. Kayang kaya ko ang sarili ko.” Sabi ko at pumunta ng kwarto para magbihis.
Pero sinusundan ako ni Ian! Duh!
“Bakit ka ba sunod ng sunod?!” Naiirita kong tanong.
“Makipag-ayos ka muna sa ‘kin bago kita tigilan.” Mahinahong sagot nya. You know what guys? He look miserable and I’m loving this. :]
Nilingon ko sya.
“Bakit tayo mag – aayos? Tayo ba ha?” Sagot ko na medyo may mapang – asar na ngiti.
Ginulo nya ang buhok nya sa sinabi ko. “Yes, we are! Girlfriend pa rin kita sa gusto mo at alam kong gusto mo!” Parang frustrated na sabi nya.
“Cut it, Ian! Sinabi ko lang na gusto kita… Hindi ko naman sinabing gustuhin mo rin ako!” Halos mabasag ang boses ko habang sinasabi ko ang mga salitang ‘yun.
Tuluyan na kong pumasok sa kwarto ko at iniwan sya.
Ayoko na. Ako ‘yung nang – iinis pero bakit pakiramdam ko ako pa rin ‘yung talo?
--- END OF CHAPTER 21 ---
Short updates pero magiging madalas na to. :)))
BINABASA MO ANG
12 Ways To Make Him Fall In Love
Romance[DESCRIPTION] May nagugustuhan ka bang boy? ANG TANONG! MAY GUSTO BA SA 'YO? Gusto mo ba syang magkagusto sa 'yo? Kung ganon! Tama ang istoryang napili mo! Bakit di mo gayahin si Eureka na ginamit ang "12WatMaHiFi<3" para mabihag ang puso ni Chris...