12WatMaHiFi<3 Chapter 24

428 13 0
                                    

Pagmulat ko ng mata ko, lahat ng nakikita ko ay puti. Sobrang nanghihina ako. Hindi ko maalala kung nasaan ako ngayon, pero yung puso ko naalala kung gaano kasakit yung nakita ko sa video.

"Eury…" lumingon ako sa tumawag ng pangalan ko.

"Iya… Nasa… ospital ba ko?" Tanong ko kay Iya. She looked very worried.Mabagal syang tumango. "Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Hindi pa Iya. Matamlay akong ngumiti. "Sila Mama?" Tanong ko.

"Kumuha lang sila ng gamit mo. At Eury… nasa labas si Ian." Parang may pumukpok sa puso ko ng sabihin ni Iya kung sinong nasa labas. "He's been here all night pero hindi ko alam kung ready ka ng makita sya. You know…" tinutukoy nya yung video.

Napatingin ako sa kawalan. "Kakausapin ko sya pag ready na ko." Sagot ko kay Iya.

"Kanina ka pa dito?" Tanong ko sa kanya.

Marahan na naman syang tumango.

Nginitian ko si Iya. "Umuwi ka muna sa inyo. Ayos na naman ako." It's true. Ayos lang talaga ko, kapag wala si Ian sa paningin ko.

Hanggat maaari gusto ko kalimutan yung mga nangyari kagabi.

"Nagtext Mama mo sa 'kin, papasok na daw sila kaya aalis na ko pagdating nila dito, 'kay?" Sabi ni Iya sakin nung makita yung message sa phonenya.

"Thanks, Iya." I said at saktong dating naman ng Papa at Mama ko.

Pagpasok na pagpasok nila ay pinindot agad ni Mama yung call button para may dumating na nurse at nagpaalam na rin si Iya.

Wala pang 30 seconds dumating na yung nurse at umalis din ng makitang gising na ko. Then, dumating naman yung doctor at nakipagusap sa parents ko.

Nakikinig lang ako sa usapan nila. Kahit na gusto kong kalimutan yung nangyari, parang paulit ulit lang na nagrerewind sa utak ko. Tapos yung puso ko parang unti unting pinupunit. That feeling.

"Pwede ka na daw umuwi, pero kung di pa ayos ang pakiramdam mo, dito ka muna. Babantayin ka ni Mama." Worried na worried na sabi ng Mama ko at ginawa pa kongbata.

Naiintindihan ko yung lagay ng katawan ko pero wala na kong space pa para pagtuunan ng pansin kung anong nangyari sa 'kin. Ang tanging laman lang ng utak ko ay si Ian, at ng marinig ko yung sinabi ng Doctor, lalo ko lang naisip si Ian.

Nung paglabas namin ng pinto, nakita ko si Ian na nakaupo sa sahig. Nakatux pa rin at hindi pa rin nagpapalit ng damit. Tapos mukhang nakatulog pa sya don.

Hinarap ko sina Mama at Papa. "Mauna na po kayo sa labas, Ma. Kakausapin ko lang sya." Sabi ko sa parents ko habang tinuturo si Ian.

12 Ways To Make Him Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon