CHAPTER 10

930 38 0
                                    

Chapter 10



Nang makauwi sa bahay ay agad kong binuksan ang itim na papel. Umalingasaw ang mabangong amoy ng papel, namangha ako dahil ngayon palang ako nakakita ng ganitong klaseng papel!

"Dear, Aya. I am inviting you to my—" napangiwi ako.

Hindi ko maintindihan! Paano ba 'yan?! English na naman? Ugh! Kailangan ko na sigurong mag-aral talaga ng banyagang lengguwahe ngayon para naman makasabay ako sa kanila.

Napakamot ako sa ulo. Anong oras na ba? Alas dos palang ng hapon! Hindi naman siguro magagalit si Faye kung ipapabasa ko sa kanya ang sulat, hindi ba?

"Bahala na nga!"

Tumayo ako at nilisan ang aming bahay. Dumiretso ako sa bahay nina Faye at naabutan siyang nagdidisenyo ng regalo niya! Ngumisi ako at tinawag siya.

"Faye!"

Lumingon siya at kumunot ang noo. Tumaas ang kilay niya nang makitang ako ang tumawag.

"Oh?" ibinalik niya ang atensyon sa pagdidisenyo.

Lumapit ako sa kanya at ipinakita ang papel na bigay ni Wolf.

"Suhestiyon lang sana, maaari mo bang basahin ang nakalagay? Tapos sabihin mo sa tagalog. English kasi e, hindi ko maintindihan!"

Kumunot ang noo niya saka tiningnan ang nakalahad na papel. Nilingon niya ako nang may litong ekspresyon. Ngumiti ako at ibinigay sa kanya ang sulat. Kinuha niya naman.

"Saan mo 'to nakuha? May nagbigay sa'yo?" kunot-noong tanong niya.

Nag-alinlangan pa ako kung sasabihin ko ba pero sa huli ay sinabi ko rin. Ayaw na ayaw ko talaga ang magsinungaling lalo na kay Faye, siya lang ang matalik kong kaibigan, ayaw kong mawalan siya ng tiwala sa akin.

"Si ano... Si Wo—Senyorito Wolf." sagot ko. Nakagat ko ang labi.

"Ha? Paano? Binigay niya sa'yo nang personal?" usisa niya, hindi mawala-wala ang kunot sa noo.

Tumango ako.

"May binigay din ba siya para sa'kin?"

Natigilan ako. Ganoon ba 'yon? Lumunok ako at dahan-dahang umiling. Bigla akong kinabahan.

"W-Wala e. Iyan lang ang binigay... baka naman ano..." hindi ko alam ang sasabihin.

"It's okay. Baka personal niya ring ibigay ang akin," ngumisi siya.

Kumunot ang noo ko. Ano ba kasing meron sa papel na 'yan? Imbes na sabihin iyon ay nanatili nalang akong tahimik habang pinagmamasdan si Faye na binabasa ang nakalagay.

Napansin ko ang bahagyang paglamig ng muka ni Faye nang siguro ay tapos na niyang basahin ang sulat. Agresibo akong nagsalita.

"Ano na, Faye?! Ano raw'ng sabi?!" hindi mapantayan ang galak ng aking loob.

Nilingon niya ako. Natahimik ako nang makita ang galit niyang ekspresyon. Natigil ako sa pagsasalita at nalilitong tinitigan siya.

"Faye..." sabi ko.

Kumuyom ang mga kamao niya sa hindi malamang dahilan. Anong meron, bakit naging ganito siya? Nakita ko ang pagbuntong-hininga niya matapos ang ilang sandali. Napalitan ang seryoso niyang muka ng ngisi.

"Sigurado ka ba dito, Aya?" aniya, may pagsususpetsa.

Sunod-sunod akong tumango.

"Siyempre, Faye..." mahinang sabi ko.

"Oh my God, he's so sweet!"

Nagulat ako nang bigla siyang nagtatalon sa saya at kilig. Umayos ako nang tayo at tiningnan ang kaibigan kong kinikilig habang hawak ang papel.

Bed Of Roses°Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon