Chapter 6
"Anong ginagawa niyo rito, Senyorito Wolf?"
Hindi mawala-wala ang titig ko sa bagong dating na si Wolf. Pormadong pormado siya mula sa damit pang-itaas hanggang pang-ibaba. Napansin ko rin ang sapatos niyang kuminang nang natapatan sa ilaw ng lampara.
Agad akong napalunok nang magtama ang paningin namin. Hindi niya sinagot ang tanong ni Ben bagkus lumapit siya sa akin na may hawak na kung ano.
"Happy birthday, Aya." aniya at ngumiti. "Ito nga pala, regalo ko."
Inilahad niya sa akin ang regalo kuno niya. Hindi agad ako nakasagot pagkat gulat na gulat parin ako sa pagdating niya. Narinig ko ang pagtikhim ni tiya.
"Hijo, inimbitahan ka ba ni Aya na pumunta rito?" malumanay ang pagkakasabi ni tiya ngunit bakas ang pagkaseryoso.
Binalingan ni Wolf si tiya Paola.
"Hindi po. Pero alam kong kaarawan niya kaya pumunta ako."
Paano niya nalaman?!
Nilingon ako ni tiya at nakita ang pagkaseryoso ng muka niya. Hinarap ko si Wolf at tipid na nginitian. Kinuha ko ang bigay niyang regalo.
"S-Salamat uh... sana hindi ka na nag-abala pa." sabi ko. Hindi siya sumagot at ngumisi lang.
"Pasok ka hijo. Aya, papasukin mo!" untag ni tiya.
Nakagat ko ang labi saka napapahiyang inangatan ng tingin si Wolf.
"Pasensya na. Uh... Pasok ka, Wolf." binigyan ko siya ng daan papasok sa munting bahay namin.
Napabuga ako ng hangin. Sa likod niya palang, parang hindi siya pwede sa ganito kaliit na bahay. Nahihiya pa ako sa handa ko ngayon, walang panama sa handaan siguro nila. Bumuntong hininga nalang ako at pumasok na sa bahay.
Pinaupo ni tiya si Wolf sa may bakanteng upuan. Sobrang haba ng mga binti niya kaya sobrang liit tingnan ang upuang gawa pa sa kahoy. Nahihiya talaga ako sa kanya.
Si Ben ang kumausap kay Wolf. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila pero panay ang sulyap ni Wolf sa akin.
"Magkakilala kayo?" biglang tabi ni Faye sa upuan ko.
Nilingon ko siya. Doon ko naalalang, may gusto nga pala ito kay Wolf. Agad akong umiling para hindi siya magduda o kung ano.
"Hindi. Uh, ibig kong sabihin... kilala namin ang isa't isa pero hanggang doon lang... gano'n." hirap na hirap ako sa sasabihin.
Nanliit ang mga mata ni Faye pero hindi naman na siya nagsalita pa. Kumain na kami pagkatapos. Panay pa ang sulyap ko kay Wolf, baka sakaling hindi niya gusto ang pagkain namin. Pero hindi naman siya nagrereklamo kaya...
"Saan kayo nagkakilala ni Aya, Senyorito Wolf?"
Sa kalagitnaan ng hapunan, biglang nagsalita si Faye. Dumahan ang pagkain ni tiya, si Ben naman ay parang walang narinig. Sumubo ako ng hotdog saka sinulyapan si Wolf.
"Sa may balon. She thought I was gonna commit suicide! Tinulungan niya ako and scolded me." tumawa siya. "That's where it all started."
"So, you often talk and be with her?"
"Yes? Several times."
Nilingon ako ni Faye at nakita ang pagkaseryoso ng muka niya. Nilagok ko ang tubig sa aking baso. Hindi ko naiintindihan ang sinasabi nila pero pakiramdam ko masama iyon... para sa akin.
Tuloy ang kwentuhan namin, medyo naiilang na ako sa presensiya ni Wolf. Si Ben lang ang halos nagsasalita. Si Faye naman na sa tabi, kumakain ng cake habang si tiya naman ay naghuhugas na ng pinagkainan.
BINABASA MO ANG
Bed Of Roses°
RomansaA forbidden flower which everyone likes. A forbidden love which everyone is willing to die for. Aya is an innocent and vulnerable woman who has managed to conquer her forbidden love towards the man beyond her status. Lots of men adore her but her s...