Chapter 15
"Nagpa-nose Job ka ba? I mean, you have that well-structured nose. Narrow and straight. Like mine. I wonder..."
Napainom ako ng tubig sa sinabi ni Aphrodite. Kanina niya pa ako tinititigan at ngayon pa lang siya nagsalita.
Kumakain kami ngayon ng hilaw na mangga sa ilalim ng puno sa rosasan na lagi kong tambayan. Isang linggo na rin simula nang maging kaibigan ko si Aphrodite. Naging malapit kami sa sobrang kaingayan niya, lagi niya kasi akong inuusisa.
Nagpapasalamat nga ako kasi nadagdagan ang kaibigan ko. Maganda si Aphrodite at mayaman, pero sa turing niya sa'kin, parang parehas lang kami ng estado sa buhay. Hindi niya ako tinuring na mababa o minaliit.
"Huh?"
Kinagatan ko ang manggang hawak. Marami kaming dinalang mangga rito, maraming bunga na kasi ang manggahan ng Montreal. Si Wolf ang umaakyat sa puno at nangunguha ng mangga para sa amin.
"Retoke? Plastic Surgery. 'Yong nagpapaganda ng itsura, nagpapa-opera para gumanda o i-enhance ang beauty nila. Mga gano'n. " si Aphro.
Umiling ako.
"Wala akong pera para sa mga ganoon, 'no. 'Tsaka, bata pa ako. Ayaw ko rin baguhin ang katawan ko para lang masabihang maganda, kontento na ako sa kung anong natural na bigay ng Panginoon."
Tinitigan ako ni Aphrodite. Ngumisi siya sa akin saka kinagatan ang manggang hawak nang walang ka-arte-arte.
"Bilib din ako sa'yo! Nagagawa mong tumira sa ganitong klaseng buhay. No way! No internet, gadgets, signal, and so. It's gonna be the death of me!"
Ngumiti ako at tinanaw ang nagsasayawang mga rosas. Napansin ko nga ang mga petals na isa-isang nahuhulog sa lupa.
"Hindi. Kapag nasanay ka na."
"Well..." bumuntong hininga siya.
Tinapos namin ang pagkain ng mangga. Marami pa kaming napag-usapan, umabot nga kami sa mga pangarap namin sa buhay. Ngayon, ang gusto ko lang ay makapag-aral. Siya naman, gusto niya raw'ng maging sikat na modelo.
"Aster, ipasyal mo nga ako sa buong Catigbian! Saan ba ang inyo? I wanna go there. Let's wander around the Bukid!" tili ni Aphrodite.
Tumayo ako at nagpagpag. Hinarap ko siya. At sa isang iglap, naglalakad na kami patungo sa kung saan. Nakikita ko naman sa muka ni Aphrodite na nasisiyahan siya sa pamamasyal.
"Hindi ka pa ba napapagod? Sabihin mo lang kung pagod ka na, ah. Babalik na tayo sa mansyon."
Agad namang umiling si Aphrodite sa sinabi ko. Ngumiti siya nang kalapad-lapad. Napangiti na rin ako.
Nagpatuloy kami sa pamamasyal. Dumating kami sa Divisoria, sa kagubatan, sa maliit na farm, at ngayon ay nandito na kami malapit sa balon kung saan ko unang nakita si Wolf.
Napangiti ako nang maalala ang mga pangyayari. Halos mag-iisang taon na simula nang magkita kami! Ang bilis naman ng panahon.
"Kaya pala hindi ka na pumupunta sa bahay, may bago na pala? Ano, Aya? Mas mayaman ba?"
Natigil ang paglalakad namin ni Aphrodite nang bigla kaming harangan ni... Faye? Namilog ang mga mata ko. Kumabog naman nang mabilis ang aking dibdib. Ilang buwan na ring hindi kami nagkikita.
Miss ko na siya!
Kahit naman nagsinungaling siya sa akin noon, pinatawad ko na siya. Masyadong lamang ang pagkakaibigan namin para sirain 'yon ng isang pagsisinungaling lang.
BINABASA MO ANG
Bed Of Roses°
RomanceA forbidden flower which everyone likes. A forbidden love which everyone is willing to die for. Aya is an innocent and vulnerable woman who has managed to conquer her forbidden love towards the man beyond her status. Lots of men adore her but her s...