Chapter 13
"O my God, Aya. You came back! Akala ko talaga hindi ka na babalik!"
Napatalon ako sa lakas ng boses ni Tita Via sa loob ng mansyon nila. Nasa labas palang kami, nakita ko ang pagbukas ng malaking pinto at iniluwa ang tumatakbong ina ni Wolf.
"Magandang uma—"
Napatda ako nang walang ano-ano'y niyakap niya ako nang mahigpit. Sobrang higpit na para bang ang tagal naming hindi nagkita. Sa bagay, dalawang buwan din.
"Thank, God! Bumalik ka!" maluha-luhang sambit nito.
Kumunot ang noo ko sa pagiging emosyonal ng Ginang. Kalaunan ay ipinagkibit balikat ko nalang iyon. Ngumiti ako sa kanya.
"Pasensya na po, Tita Via. Marami kasing gawain sa bahay, e."
"Ano?! Inaalipusta ka ba ni Paolina?! Pinapahirapan?!" histerikal na sambit niya.
Namilog ang mga mata ko. Teka, paano niya nalaman ang pangalan ni Tiya? O baka naman, nasabi ko sa kanya noon... Umiling ako.
"Hindi po... May trabaho lang siya kaya ako ang may responsibilidad sa bahay. Naglilinis lang po ako, hindi naman po inaalipusta." ngumiti ako.
"Mama, you're overreacting!" saway ni Wolf sa ina niya. Nilingon niya ako. "Let's go in, shall we?"
Tumango ako. Panay naman ang tili ni Tita Via sa aking tabi. Pumupulupot pa nga ang kamay niya sa aking braso. Napapangiti nalang ako sa gawi niya. Na-miss ko rin kasi siya.
Kumain kami sa loob. Hiyang-hiya pa ako kasi pakiramdam ko sobra na ang ginagawa nila sa'kin. Sobrang bait nila! Ang sasarap pa ng mga pagkain. Hindi nga ako pamilyar sa iba.
Pakiramdam ko kaarawan ko ulit.
Wala si Senyor Lorenzo kasi abala siya sa hacienda nila. Nagpapatayo kasi ang Montreal ng mga Factory dito sa Catigbian. Marami-rami rin iyon.
Nagpaalam naman si Wolf sa akin kanina pagkatapos kumain. Aniya'y titingnan niya raw muna ang Feed Mill nila ng mga alagang hayop. Miss ko na rin mangisda!
Sana pala sumama ako.
"Sayang naman, hindi mo nakilala ang isa ko pang anak. Dalawang buwan din 'yon dito, e. Bumalik lang ulit ng Manila, ewan ko ba!"
Napaharap ako kay Tita Via. Kami lang dalawa ang nandito sa living room nila. Except of course, sa mga kasambahay na naglilinis.
"Oo nga po pala. May kapatid si Wolford." ngumiti ako. "Hindi ko pa po siya nakikita sa personal pero alam ko... gwapo rin 'yon parang si Wolf lang." natutop ko ang bibig.
Nakakahiya ka, Aya! Naku!
Humalakhak si Tita Via. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at naiilang na ngumiti.
"Of course! And talented. Nakikita mo iyan?"
Itinuro niya ang mga portrait at painting na naka-attach sa dingding.
"Siya lang naman ang nagpinta at gumuhit ng mga iyan. Nagustuhan ng ama niya, si Lorenzo, kaya d-in-isplay lahat ng gawa!"
Namamangha akong nag-angat ng tingin sa mga imahe. May puno, pagsakop ng dilim sa araw, aso, pamilya sa tabi ng ilog, at marami pang iba.
"Sobrang talentado naman po niya!" hindi ko mapigilang mamangha.
Napangiti si Tita sa akin. "Sobra. Talentado rin naman si Lavrinthees, masyado lang siyang pokus sa Farm dito. 'Yong kapatid naman niya, more on academic kaya wala lagi rito."
BINABASA MO ANG
Bed Of Roses°
RomanceA forbidden flower which everyone likes. A forbidden love which everyone is willing to die for. Aya is an innocent and vulnerable woman who has managed to conquer her forbidden love towards the man beyond her status. Lots of men adore her but her s...