CHAPTER 11

907 32 0
                                    

Chapter 11




"Huwag ka na ulit matulog doon, ah. Tingnan mo nangyari sa'yo?!"

"Opo," ngumisi ako kay Wolf. Katatapos niya lang gamutin ang mga sugat ko.

Sumimangot siya. "Hindi ako nagbibiro, Aya!"

"Ako rin naman, ah! Hindi." humagikhik ako.

Humalukipkip siya, hindi na ginatungan ang sinasabi ko. Inangat niya ang aking braso para tingnan ulit ang mga sugat ko. Hinipan niya iyon.

"Masakit parin ba?" aniya at hinipan ulit iyon.

"Hindi na, salamat." nagpipigil ako ng ngiti.

Umangat ang ulo niya kaya nagkatitigan kami. Kumikislap ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Sa unang pagkakataon ay hindi ako nailang sa mga titig niya, sa halip ay naging komportable ako.

Malakas ang pintig ng aking puso habang hawak hawak niya ang aking kamay. Ewan ko kung normal pa ba ang klase ng tibok na ito o hindi na. Nakagat ko ang labi at kumurap-kurap.

Nag-iwas siya ng tingin. Doon lang din ako natauhan. Uminit ang pisngi ko, ang aking mga palad ay agad hinawakan ang aking magkabilang pisngi. Kagat ko ang labing inangatan siya ng paningin.

"Uuwi na ako. Magpahinga ka na, Aya. Nagpadala ako ng pagkain dito para sa hapunan niyo ng tiya mo mamaya. Kumain ka ng marami. Huwag ka muna lumabas bukas, pagalingin mo muna ang sugat mo."

Inayos niya ang natuping damit at tiningnan ako.

"Uh, hindi ka na sana nag-abala pa. Nakakahiya sa'yo, Wolf. Kaarawan mo tapos—"

Dumaing siya. "Ilang beses ko sasabihin sa'yo? Huwag ka na mahiya sa'kin!"

"Paanong hindi—"

"Aya..." malambing niyang sinabi. "Kapag sinabi ko, sinabi ko. Minsan lang ako ganito, Aya. And I mean it. Wala kang magagawa roon,"

Naglandas ulit ang mga mata namin. Ang mabilis na pagtibok ng puso ko ay lalo pang bumilis. Bumuntong hininga ako, pinapakalma ang sarili.

"Sige na nga..." kinagat ko ang labi. "Gabi na, mag-ingat ka rin sa pag-uwi. At... salamat sa paggamot mo sa'kin at uh, maligayang kaarawan ulit."

Nagkatitigan ulit kami. Naputol lamang iyon nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang kararating lang na si Tiya Paola. Nanlaki ang mga mata niya nang makita kami ni Wolf.

"Ano—Anong ginagawa mo dito?!" umalingawngaw ang boses ni Tiya.

Umayos ng tayo si Wolf at yumuko para magbigay galang kay Tiya. Bumilis ang paghinga ko at tumayo na rin para magmano sa kanya.

"Magandang gabi po," si Wolf.

Nakakunot ang noo ni Tiya. Halos hindi niya nga tinanggap ang kamay ko sa bigla at surpresa sa panauhin.

"Anong ibig sabihin nito, Aya?" aniya matapos ang ilang sandali.

Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Wolf.

"Pasensya na po, Tita. Ginamot ko lang ang sugat ni Aya, pasensya na po kung medyo hindi maganda ang bumungad sa inyo—"

"Sugat? Saan siya nasugatan?" kumunot ang noo ni Tiya saka nilingon ako.

Hilaw akong napangiti.

"Uh, sa may rosasan po. Sa braso. Pero huwag po kayong mag-aalala, ayos na po siya." si Wolf.

Natutop ko ang bibig. Naku, patay!

"Sa rosasan, huh?" si Tiya at maliit ang mga matang pinagmasdan ako.

Bed Of Roses°Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon