CHAPTER 19

944 33 0
                                    

Chapter 19

"Seventy five percent agad ang nai-deliver in just a day! Can you imagine how much it costs, Aya?!" tili ni Mama Karla.

Napangiti ako sa naging reaksyon niya. Sa isang buwang pagdedisenyo ng mga bato, kahapon ang unang delivery at salamat sa Dios at marami-rami ang nagandahan sa disenyo ko. Mas napadali nga ang paggawa at pag-ukit ko dahil sa kompletong kagamitan nila kaya naman halos umabot ng ilang libo ang nadisenyohan ko sa loob ng isang buwan.

"My friend texted me just now!" si Mama Karla. "O my God. She wants to order another dozen of gems! Oh my..."

Namilog ang mga mata ko.

"T-Talaga po?"

"Yes..." nilingon ako ni Mama Karla. "Kaya mo pa bang magdisenyo, Aya? This consumes a lot of time, I guess. Masyado ka pang pagod-"

"Kaya ko po, Mama Karla." ngumiti ako.

"Aya, one month straight kang walang tamang pahinga. You need a rest and gain some strength." si Tiya Paola.

"Ayos lang po ako, Tiya." sabi ko. "Okay lang, Mama Karla."

"Okay, then. It's all settled. Bukas ang dating ng mga bagong hiyas, coming from Visayas pa. Aya, sabihin mo lang kung hindi mo na kaya. I'll hire someone to substitute you. O kahit marami pa sila."

Ngumiti ako saka tumango. At ganoon nga ang naging buhay ko sa ilang buwan. Nakatira na kami sa bahay ni Mama Karla, pinapakain niya kami at binihisan. Sobrang laki ng utang na loob namin sa kanya. Pero kahit ganoon, hindi niya tinatanggap ang aming pasasalamat.

Araw-araw, dumarami ang mga orders ng aming produkto. Kwintas, pulseras, hikaw, at iba pang pwedeng ilagay sa pisikal na katawan. Araw-araw din akong nag-uukit ng bato at paiba-iba ang disenyo.

Ang noo'y maliit na gusali at pabrika ay unti-unti nang lumalaki sa pagdaan ng buwan at taon.

Pumasok din ako sa isang Alternative Learning System kung saan nag-aaral ang mga nahuli na sa klase. Ipinagpapasalamat ko talaga na mabilis akong matuto kaya isang taon lang akong nag-aaral doon at g-um-raduate na pagkatapos.

Nakasabayan ko ang aking mga kaedad noong ako'y mag-highschool. Ipinasok ako ni Mama Karla sa isang magandang eskwelahan sa Laguna.

Masyadong malaki at mahal ang paaralang iyon, hindi sana ako papayag kasi malaki na ang naitulong niya sa amin pero nagpumilit siya.

"I don't accept a No for an answer, Aya. Dito ka mag-aaral, that's final." si Mama Karla.

Hindi nalang ako nagsalita pa at bumuntong hininga nalang. Marami akong naging kaibigan sa paaralang iyon. Kaedad ko lang ang naging classmates ko. Nahihiya pa ako minsan makipag-usap sa kanila kasi ang yayaman at parang arogante tingnan.

Pero nakahanap naman ako ng mga kaibigan. Nag-aaral ako habang nag-uukit ng mga hiyas. Araw-gabi akong mulat kaya sa susunod na araw, pagod na pagod ang aking katawan.

"Aya, magpahinga ka muna. Napapabayaan na 'yang katawan mo. Hindi ka pa kumakain."

Nakita ko ang paglatag ni Tiya Paola ng tray na may lamang pagkain sa aking harap. Abala ako sa pag-uukit ng hiyas ngayon, medyo nahihirapan ako kasi platinum, sobrang tigas ukitin pero nakakaya naman.

Bed Of Roses°Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon