CHAPTER 25

1.1K 29 5
                                    

Chapter 25




Mas dumami ang mga taong pumupunta sa Mansion pagkaraan lamang ng isang araw. I stayed in the Mansion for two days. And after that night in the field of roses, Wolf and I become inseparable. Parang hindi nadaanan ng bagyo. Kung makangiti, wagas.

Mabilis ang transaksiyon. Naayos din naman kaagad ang cell-site kaya bumalik ang internet connection pero sa Catigbian lang iyon. It's because of the Montreal's power. I heard they paid millions to get it done swiftly.

Ngayon ay inaayos na rin ang mga cable at wire para mabilis ang pagbalik ng kuryente. Wolf and his men were there to assist. I was able to contact my finance manager, I asked for a budget. Since all the machines were down, I had to get the money personally. Kaya kailangan ko pa talagang bumalik ng Manila.

"Maraming salamat po!"

I smiled at the old woman. Sa Mansion ng Montreal, sobrang daming relief goods ang nakatambak. Ngayon pa lang nagsisimulang magbigay para sa mga tao. Maraming tumulong sa pagbibigay at isa na ako roon.

The next in line is a woman with three children. My heart immediately hurt when I saw the kids probably five to six-year-old young. Tapos karga-karga pa ng nanay 'yong isang maliit. They looked so miserable and the mother looked stressed. Gutay-gutay na halos ang mga damit at 'yong baby na karga ay wala pang saplot pang-ibaba. I gulped hard.

"Maraming salamat po." the woman said after claiming the goods.

"Ikaw lang po ba mag-isa, Ma'am? Nasaan po 'yong asawa niyo?" I couldn't help but ask.

Matamlay na ngumiti ang babae. That hurt me even more. "Hinahanap po ang yero ng bahay namin, Ma'am. Sa lakas ng bagyo, nilipad po ito."

"May trabaho po ba kayo o 'yong asawa niyo?"

"Magsasaka po, Ma'am. Kaso 'yong kalabaw namin, nalunod sa baha. Medyo bahain kasi 'yong lugar namin at hindi na nasagip pa. Ang nag-iisang kambing naman, ninakaw pagka-umaga. Naka-motor kaya hindi namin naabutan."

"Ano?"

My lips parted. In this kind of situation, where everyone is affected and in great mess, may mga tao pa rin palang makagagawa ng masama?! I can't believe this!

"Nakita niyo po ba ang plate number?"

"Hindi na namin nakita, Ma'am. Napalayo na rin kasi."

The woman took a heavy sigh and smiled a little. Amidst everything, she can still manage to smile. Perhaps, for her children. Pinipili ng iba na magpakatatag dahil sa mga anak nila. And the woman in front of me is the perfect example of the word 'parent'.

"Bumalik kayo rito. I'll provide for your children's scholarship. I'll give you my contact number. If you have no cellphone, I'll provide you one. Sagot ko na rin ang gatas ni baby." I said as I caressed the baby's fluffy cheeks.

"Talaga po, Ma'am?! Maraming salamat! Maraming salamat po!" she literally cried.

Ilang beses nagpasalamat ang babae sa akin. The two kids even smiled cheerfully at me. The feeling was overwhelming. Ayaw ko na tuloy bumalik ng Luzon. I was very exhausted that day. Dinagsa ang Mansion nang sobrang daming tao kaya sobrang nakakapagod.

A while after, Wolf and his team came back. Isang araw nalang daw ang hihintayin para bumalik ang kuryente. And as soon as he came back, he immediately went to and kissed me on the cheeks. I flushed but a huge smile was plastered on my face.

Bed Of Roses°Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon