CHAPTER 12

936 38 0
                                    

Chapter 12





"'Is' gamitin mo kapag singular ang subject tapos present tense, 'Are' naman kapag plural o marami ang subject tapos present tense. You must use 'Was' and 'Were' kapag past tense o nangyari na. Lagi mong alalahanin na  nakadepende ang wastong grammar kung paano mo binagsak ang mga salita sa tamang pwesto at senaryo. Past, present, and future tense."

Tumango-tango ako sa sinabi ni Tiya. Dalawang linggo na ang lumipas simula noong nanghingi ako ng pabor sa kanya, at masasabi kong... gumagaling na ako ngayon sa pag-e-english.

Mahirap dahil ngayon lang ako natuto ng ganito pero determinado na akong matuto. Sabi nga nila, walang mahirap sa taong may pangarap. Ito ang pangarap ko.

Gusto ko nang mag-aral pero sa tuwing nakikita ko ang pagod ni Tiya sa pagtatrabaho, lagi akong umaatras. Saka na siguro kapag nakaluwag-luwag na. Isa pa... I'm fast learner, you know.

"Ngayon, pag-aaralan naman natin ang Idiom o idyoma. Pamilyar ka ba sa Idiomatic Expression, Aya?" si Tiya.

Tinitigan ko siya nang mabuti bago umiling. Ngumiti siya at in-explain ang ibig sabihin noon.

"Ito 'yong mga salita na ang ibig-sabihin ay hindi literal na ibig-sabihin ng binigay na salita o grupo ng mga salita." aniya.

Umawang ang labi ko. What?! Hindi ko maintindihan kahit tagalog naman iyon! Ngumiwi ako at umiling. Natawa si Tiya.

"For example, it's just a piece of cake. Anong naintindihan mo roon?"

Kumunot ang noo ko. "Uh, isang piraso ng cake?" sagot ko.

Totoo naman, ah! Natawa si Tiya. Kumunot ang noo ko. Mali ba 'yon? Itinaas niya ang kanang kamay at nginitian ako.

"That's what I meant. Ang binigay na salita ay hindi literal na ganoon ang ibig-sabihin. A piece of cake, kung tatagalogin natin, isang piraso ng cake. Pero dahil idyoma nga siya, ang ibig sabihin no'n ay 'easy' o 'madali'."

Kumunot ang noo ko. Huh? Paano nangyari 'yon?

"It is something... logical with deep meaning. Idioms are words or phrases that aren't meant to be taken literally. Another example, break a leg. Which literally means, 'Baliin ang Paa' but in Idiomatic Expression, it means 'Good Luck'."

Umawang pa lalo ang labi ko.

"Woah. Ang dami ko pa palang dapat matutunan, Tiya."

"Yeah? But if you're really passionate about learning more, walang imposible kung dedikado ka."

Napangiti ako at tumango. Iniisip ko ulit ang mga natutunan ko ngayon. Agad lumiwanag ang muka ko nang mapagtanto ang tunay na ibig-sabihin ng kasasabi lang ni Tiya'ng aralin.

"Gaya ba ng 'Pagong kung Kumilos' ay 'Makupad', ganoon ba 'yon Tiya?"

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "Parang ganoon na nga, Aya. Pagbutihin mo pa. Matututo ka rin."

Dalawang buwan akong nasa bahay lang, nag-aaral at hinihintay ang pag-uwi ni Tiya para sa panibagong araling ituturo niya sa'kin. Marami na akong natutunan at masasabi kong nakakahabol na rin sa panibagong yugto.

Sa dalawang buwang iyon, hindi ko na ulit pinuntahan ang rosasan at ang bahay nina Faye. Ayaw ko muna siyang makita, masakit parin sa loob ko ang pagsisinungaling niya... pero kahit ganoon, itinuturing ko parin siyang matalik na kaibigan.

Si Wolf naman... Si Wolf...

I missed him.

Dalawang buwan ko na siyang hindi nakikita. I wonder if he misses me after those months we haven't had any attachments? Ibig kong sabihin... uh. Bumuntong hininga ako.

Bed Of Roses°Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon