CHAPTER 16

888 28 0
                                    

Chapter 16





"Anong gusto mong pag-usapan natin?"

Kanina pa nandito si Faye, iyon ang sabi niya. Hindi ko lang alam kung bakit parang kagagaling niya lang umiyak.

Ilang linggo na rin simula noong magkasagutan sila ni Aphrodite. Ngayon ko lang siya ulit nakita matapos iyon.

"M-Matagal ko na dapat itong sinabi sa'yo pero nahihiya ako..."

Namumula ang mata ni Faye, ramdam kong nagsisisi na siya sa mga masasakit na salitang binitawan sa akin. Huminga ako nang malalim.

"Magpatuloy ka,"

"A-Ano... kasi... simula noong araw na iyon, wala nang kumukuha kay Daddy para maging kliyente. B-Bumaba na rin ang bilang ng bumibili sa Grocery store namin at alam kong hindi lang pagkakataon iyon. Dahil iyon sa..."

Kinagat ni Faye ang kanyang labi. Nagpipigil siya ng hikbi.

Hindi ko alam na ganoon pala ang nangyari. Akala ko ba blocked lang sila sa mga okasyon? Bakit nadamay ang hanapbuhay nila? Si Aphrodite rin ba ang may gawa nito?

"Kaya nandito ako para makiusap sa'yo, Aya. Please, sabihin mo kay Senyorito Wolf na ibalik na ang..." suminghap siya.

Naaawa ako sa sitwasyon ni Faye ngayon. She looks broken and hurt. Ramdam ko iyon sa pamamaga ng ilalim ng mata niya, alam kong sinisisi niya ang sarili. Hinawakan ko ang kanyang kamay.

"Please, Aya. Sising-sisi na ako! We'll go bankrupt if this continues. I can't... Pinaghirapan iyon ng mga magulang ko, Aya. Pakiusap, Aya. Ikaw lang ang pwedeng kumausap kay Senyorito ukol rito."

Pwede kong mapakiusapan si Wolf pero hindi ko maipapangakong maganda ang resulta. Lalo na at wala si Aphrodite, mapapakiusapan ko sana iyon.

"Huwag kang mag-aalala, Faye. Sasabihin ko kay Wolf ito, huwag ka nang umiyak."

Kaya naman nang sinabi ko na kay Wolf ay hindi agad ako nakakuha ng sagot. Nanatili ang pagtitig ko sa kanya hanggang sa magsalita siya.

"Gusto mo ba talaga? O baka naaawa ka lang. Did she guarantee that she won't bully you anymore?" si Wolf.

Nagsisisi na si Faye. Alam kong magsisilbing aral ito sa kanya na huwag nang manapak ng tao. Kilala ko rin si Faye. Matalino siyang tao, masyado lang siyang naapektuhan sa pagmamahal niya kay Wolf kaya niya iyon nasabi sa akin.

"Yes. Hindi niya na iyon gagawin pa sa akin. Alam ko," sabi ko.

"Okay, then."

Sobrang saya ni Faye nang ibalita ko sa kanya iyon. Aniya'y nagsibalikan na rin daw ang mga kliyente ng Daddy niya. Marami pa kaming napag-usapan. Sandali nga lang iyon kasi maghahanda pa raw siya para bukas.

"Bakit? Anong meron bukas?" usisa ko.

"Duh? May selebrasyon ulit ang Montreal. Pinadalhan nga kami ng imbitasyon kani-kanina lang. Excited na ako. Makikita ko ulit si Senyorito!"

At doon natapos ang usapan namin. Tulala ako habang umuuwi sa amin. Bukas na pala? Ang bilis naman ng araw! Hindi pa nga ako nakakapagpaalam nang mabuti kay Tiya. Pero paano kung hindi siya pumayag?

Hay naku! Mamaya ko na nga lang iyon iisipin.

Gulat ako nang makakita ng mga taong naka-uniporme sa labas ng bahay namin, kausap si Tiya. Lahat sila ay naka-asul na T-shirt at gray na pantaloon. Hindi hihigit sa sampo ang nandirito.

"We'll give you a day to pack all your things. This house will be demolished since you haven't fully paid the required taxes on the desired time. This is now owned by the Government—"

Bed Of Roses°Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon