Chapter 18
"Tiya, saan po ba tayo pupunta?"
Suminghap si Tiya Paola at pinagmasdan ang malakas na alon ng dagat sa labas ng barkong sinasakyan namin. Ito ang unang beses kong makasakay ng barko at hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam no'n.
Tumabi ako sa kanya. Gabing-gabi na at hindi ko alam kung saan patungo itong sinasakyan namin. Kanina pa huminto ang ulan at maginaw na hangin nalang ang natira. Yakap-yakap ko ang tuwalyang bigay sa akin ni Tiya. Nakapagbihis na rin ako ng maayos na damit kanina.
"Sa Cebu, may kakilala ako roon. Nagbabakasakali akong matulungan tayo." aniya at suminghap.
Tiningnan ko rin ang madilim na labas. Sobrang lamig na parang hindi ko kakayanin. Lumunok ako at sumilip na naman ang ala-ala kanina. Bumuntong hininga nalang ako at iwinaksi iyon sa aking isipan.
Dumaong ang barko nang mga alas-onse ng gabi. Sobrang ginaw nang makalabas kami. Dala ko naman ang dalawang mabibigat na bagahe kong puno ng aking damit. Ganoon din si Tiya.
Medyo wala nang sasakyan sa mga oras na ito kaya sobrang nagpapasalamat ako nang makahanap kami ng isang taxicab. Bumyahe ng ilang oras at huminto sa may maliit na subdivision.
"Naku, pasensya na talaga, Paola. Wala na kaming bakante rito, e. Nagsisiksikan na nga kami at hindi pa maayos-ayos ang daloy ng tubig at kuryente."
"Ganoon ba? Sige, salamat."
Inaantok na ako pero wala parin kaming nahahanap na pwede naming matulugan. Muka ngang sisipunin pa ako dahil sa pagpapaulan kanina.
Ilang oras na kaming naghahanap ng matutuluyan at malapit nang mag-umaga, pero wala parin. Nangangawit na ang kamay ko sa kakabitbit ng dalawang malalaking bagahe. Inuubo na rin ako nang konti.
"May kaunting naipon pa naman ako rito. Sapat lang para makadaong tayo sa Laguna. Baka makahanap ako ng trabaho roon." si Tiya.
Sumakay ulit kami ng barko at ilang araw ang hinintay namin para makarating sa sinasabing lugar ni Tiya. Akala ko mapapadali ang paghahanap ng trabaho ni Tiya pero lalo lang naging mahirap.
Ilang araw kaming walang matulugan, halos isang beses lang din ang pagkain namin sa isang araw. Dala-dala ko ang aking bagahe at halos mamayat na ako sa ilang araw na walang sapat na tulog at kain.
"Ma'am, kahit janitress lang po, gagawin ko. Kailangangang kailangan lang po talaga."
Illang beses ko nang nakita kung paano magmakaawa si Tiya, makapasok lang sa trabaho. Para akong buntot na laging sunod nang sunod sa kanya. Halos lahat ng pwedeng trabaho ay in-apply-an niya na pero wala parin. Pare-pareho lang lahat ng sagot...
"Hindi namin kailangan ng bagong empleyado. Wala na rin kaming bakante. Makakaalis na kayo."
Laglag ang balikat ni Tiya sa tuwing maririnig iyon. Sumisikip naman ang aking dibdib kapag nakikita siyang nanghihina at parang nawawalan ng pag-asa. Lihim kong ipinagdarasal ang kaayusan ng aming pamumuhay.
Napahawak ako sa aking tiyan. Buong araw akong walang kain. Gutom na gutom na ako. Nasa gilid kami ng kalsada, naglalakad sa napakalawak na syudad, hindi alam kung saan pupunta, walang matutuluyan, walang makain, gutom na gutom.
BINABASA MO ANG
Bed Of Roses°
RomanceA forbidden flower which everyone likes. A forbidden love which everyone is willing to die for. Aya is an innocent and vulnerable woman who has managed to conquer her forbidden love towards the man beyond her status. Lots of men adore her but her s...