Chapter 1
"Aalis muna ako, dito ka lang. Huwag na huwag ka ulit pupunta sa rosasan ng Montreal. Naiintindihan mo ba?"
Hindi parin maalis sa isipan ko ang lalake kahapon. Kung gaano kaganda ang muka niya, kung paano siya magsalita na parang dayuhan, at iyong mga mata niyang parang nang-aakit.
Napahagikhik ako nang maalala ang nakakahiyang pangyayare kahapon. Pero kahit ganoon, may parte sa aking nagpapasalamat dahil kung hindi iyon nangyare malamang ay hindi ko siya makikilala.
Bumuntong hininga ako at tinanaw ang labas.
"Nakikinig ka ba, Aya? Ha?"
Napatda ako sa biglang untag ni tiya sa akin.
"P-Po? Uh... Opo!" kahit hindi naman.
Nanliit ang mga mata niya.
"Sige nga, ano 'yong sinabi ko?"
Hala!
Nagpalinga-linga ako na para bang may makikita akong sagot sa ginagawa. Kalaunan ay napakamot nalang ako sa ulo saka nginisian si tiya Paola.
"Hay naku! Iyan na nga ba ang sinasabi ko!" umiiling siya. "Aalis ako ngayon, dito ka lang at huwag kang pupunta roon sa rosasan. Maliwanag?"
Nanlake ang mga mata ko. Naku! Iutos mo na lahat 'wag lang iyan!
"Ano?! Tiya naman—"
"Maliwanag?"
"Pero t—"
"Maliwanag ba, Aya?"
Bakas sa muka ko ang pagrereklamo. Napanguso ako at yumuko.
"Opo, tiya." napabuga ako ng hangin.
"Mabuti. Oh siya sige, aalis na ako. 'Yong sinabi ko, a. Huwag mo kakalimutan."
Kinuha niya iyong payong sa sulok. Bihis na bihis na si tiya at paalis na. Bumuntong hininga ako saka tumango. Umalis na nga siya ng tuluyan.
Nag-almusal agad ako, naligo, at naglinis ng bahay. Nang matapos na ako sa paglilinis ng aming bahay, tumulak ako patungo sa rosasan.
Ngumisi ako. Pasensya na tiya. Hihi.
Alas nyebe yata ng umaga ako nakarating sa lupain ng mga Montreal. Naupo ako sa ilalim ng puno at agad hinagilap ang batong inuukit ko sa aking bulsa.
"Bukas o sa makalawa, tapos na ito panigurado." sabi ko habang patuloy parin sa pag-uukit.
Hinarap ko ang mga namumukadkad na rosas. Sobrang ganda talaga nila. Naaalala ko tuloy iyong lalake kahapon.
"Alam niyo ba, may nakilala ako kahapon. Magandang lalake. Gwapo. Makisig. Matipuno. May kabayo siya. Yayamanin. Ang problema... hindi ko siya kilala."
Ngumuso ako nang biglang umihip ng bahagya ang hangin. Pakiramdam ko tuloy, sinasagot ako ng mga bulaklak.
"Pagkatapos nito, gagawa ulit ako ng para sa akin."
Nagpatuloy ako sa pag-ukit sa bato. Ilang segundo pa nang bigla akong nakaramdam ng pagyanig ng lupa. Hudyat na may paparating.
Napalingon ako sa gawing kanan at nakita hindi kalayuan ang isang estrangherong nakasakay sa isang kayumangging kabayo, papalapit sa gawi ko.
Nanlake agad ang aking mga mata nang mapamilyaran ang lalakeng sakay ng kabayo. Hala! Siya iyong lalake kahapon! Napalunok ako saka tumayo sa batong inuupuan ko.
Nang tuluyan nang makalapit ang lalake sa akin, lalo ko pang napagtibay ang paniniwala kong siya iyong lalake kahapon.
Napangisi ako. Naku! Naku! Pagkakataon nga naman.
BINABASA MO ANG
Bed Of Roses°
RomansaA forbidden flower which everyone likes. A forbidden love which everyone is willing to die for. Aya is an innocent and vulnerable woman who has managed to conquer her forbidden love towards the man beyond her status. Lots of men adore her but her s...