Chapter 15

23 0 1
                                        

Chapter 15

Ilang araw ang lumipas at tila naging tahimik ang lahat. Madalas magkakasama sina Alex at ang mag nobyong sina Miguel at Quinn. Sabi ni Quinn, mas magiging kampante siya kung magkakasama silang apat upang maging ligtas.

Ngunit hindi pumayag si Tristan. Sabi ng binata, ayaw niyang mag kulong sa apartment ng mga babae dahil lamang sa mga nangyari sa kanilang mga kaibigan. Isang kahibangan raw ang ideya ni Quinn kaya naman patuloy lang ang binata sa nakagawian niya, ang mag party kasama ang iba't ibang tao.

Pumupunta pa din si Tristan sa apartment tuwing gusto nito. Ayaw lang naman talaga niyang dito tumira at baka raw masiraan siya ng ulo.

Hindi na rin minumulto ng dating kasintahan si Alex. Ngunit hindi naman maintindihan ni Alex ang nararamdaman. Tila naninibago siya na walang Nichole ang gustong pumatay sa kanya. Minsan na nga niyang naisip na nababaliw na siya dahil mas gusto niyang dalawin siya ng multo ni Nichole. Iniisip kasi niya, baka sakaling makausap niya si Nichole kapag minulto siya nito.

Hindi pa sila muling nagu-usap ni Doctor Lyra. Kaya naman hanggang ngayon ay wala pa ding ideya si Alex sa mga nangyari sa nakaraan.

Paminsan, napapatingin ng lihim si Alex sa kanyang mga kaibigan. Pinagmamasdan niya ang mga ito ng maigi. Pinagaaralan ang bawat galaw. Dahil sa kaunting impormasyong nakuha niya kay Lyra ay napapaisip ang dalaga kung may kinalaman ba talaga ang kanyang mga kaibigan.

Sa kanyang pagsusuri sa mga ito ay naghahanap siya ng mga kilos na kahina-hinala mula sa mga ito. Ngunit wala siyang makitang mga kahina-hinalang kilos sa mga ito.

Minsan nga na tyempuhan ng dalaga na wala si Miguel sa apartment. Silang dalawa lamang ni Quinn ang nandito. Pinagtimpla ni Alex ang kaibigan at dinala ito sa sala kung saan nanonood si Quinn ng movie mula sa napakalaking tv ng magkakaibigan.

"Thanks!" Nakangiting pasasalamat ni Quinn sa kaibigan ng iabot sa kanya ni Alex ang isang tasa ng kape. Ipinatong naman agad ni Quinn ang tasa sa coffee table at nahiga itong muli.

Naupo si Alex sa may paanan ng dalaga. Maya maya lamang ay ipinatong ni Quinn ang kanyang mga binti sa kandungan ng dalaga. Nakagawian na nilla itong gawin. Ganito kasi ka-komportable si Quinn kay Alex.

Makalipas ang ilang minutong panonood ay biglang nagtanong si Alex kay Quinn.

"Babe? What's Nichole like?" Wala sa sariling tanong ni Alex habang nakatuon ang pansin sa TV.

"Hmm? Nichole? Let's see... she's sweet...super friendly...mabait, sobrang bait..." Sagot ni Quinn habang nagi-isip pa ng kung ano pa ang magagandang paguugali ng dating kasintahan ni Alex.

"Oh! And super clingy sa'yo!" Dugtong pa ng dalaga habang natatawa.

Napalingon si Alex sa kaibigan at kita nito ang sinseridad sa mga naisagot niya tungkol sa dating kasintahan. At dito niya napatunayan na walang kinalaman si Quinn sa kung anong nangyari kay Nichole. Katunayan ay nakangiti pa ang kaibigan habang isa isang sinasabi ang kabutihan ng kanyang dating kasintahan.

"Why'd you ask, babe? Is there something wrong?" Nagaalalang tanong ng dalaga kay Alex. Naupo pa ito at saka bahagyang lumapit kay Alex.

Alexandria (girlxgirl)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon