Chapter 12
Nagmamadaling umakyat si Alex sa kanyang kwarto pagkarating nila Manang Cora sa mansyon ng dalaga.
Pagkapasok niya ng kwarto ay agad niyang hinanap ang box na naglalaman ng mga litrato nilang dalawa ni Nichole.
Nang makita ito ay agad niya itong binuksan at tumambad sa kanya ang mga litrato ni Nichole.
Kinuha niya ang isang litrato at saka niya ito tinitigan. Ito ay ang litratong magkasama sila at malambing sa isa't isa.
"Why are you trying to kill me, Nichole? Ano ba ang nagawa ko sayo?" Tanong ni Alex habang nakatitig sa mukha ni Nicole.
"It's Nichole, isn't it? She's haunting you?" Tanong ng duktor dahilan upang manlaki ang mga mata ng dalaga.
"Y-you...you know her?" Takang tanong ni Alex sa duktor.
Tahimik lang ang duktor habang seryoso itong nakatitig sa mata ni Alex.
"She's my niece, and she's your... girlfriend." Tipid na sagot ng duktor at nanlaki na naman ang mga mata ng dalaga.
"S-small world." Ito lamang ang nasabi ni Alex dahil hindi siya makapaniwalang kilala ng kanyang duktor ang Nichole na ito. Bukod dito ay hindi siya makapaniwalang dati niya itong kasintahan. Ngunit nagulat si Alex ng biglang matawa ng bahagya ang babae.
"It is, indeed. Kaya kilala na kita Alex, even before your accident." Naiiling na sabi ng babae.
"What...what happened? If you don't mind me asking." Nahihiyang tanong ng dalaga sa babae.
Tahimik lamang ang duktor at maya maya pa ay bumuntong hininga ito.
Naupo ang duktor sa couch na katapat lamang ng higaan ni Alex. Napahilamos ito ng mukha at saka muling bumuntong hininga.
"I know I'm not the right person to tell you this but...I know this is all confusing for you. May amnesia ka and me telling you what I know might be too much for you. Pero seeing you like this, na mas matindi ang pinagdadaanan without knowing anything, is mas mahirap kaysa knowing what happened. Naisip ko, baka once you know all these, bumalik lahat ng memories mo. That is if you want to have your memories back. Baka kasi masyadong traumatic ang mga nangyari for you kaya your brain decided to shut everything down." Paliwanag ng duktor ngunit umiling si Alex.
"I don't know if I want my memories back, doc. But with everything that's been happening to me right now, I need to know everything." Malungkot na sabi ni Alex habang nakatungo ito at nakatitig sa kanyang mga kamay.
Narinig ni Alex na nag buntong hininga ang duktor at saka ito lumapit sa dalaga.
"Nichole...she...committed suicide..."
"H-ha?" Hindi makapaniwalang tanong ni Alex.
"She...she came to me one night asking for help. She said...she was abused and...raped..." Naiiyak na sagot ng doktor kay Alex.
Nanlaki ang mga mata ni Alex sa sinabi ng doktor. Hindi siya makapaniwala na ito ang nangyari sa dalagang pilit siyang ginugulo at pinapatay. Madaming katanungan si Alex ngunit hindi niya magawang magsalita dahil sa gulat at kaba.
BINABASA MO ANG
Alexandria (girlxgirl)
ParanormalMay mga taong bumabalik sa buhay natin dahil namimiss na nila tayo o gusto nila tayong makasamang muli. May mga taong bumabalik sa buhay natin dahil gusto naman nilang maghiganti. Pero paano kung ibang bagay o nilalang ang bumabalik sa buhay natin...
