Chapter 14
~and Mr. Carlos Santiago was then arrested as the primary suspect for his own daughter's sexual assault case...~
Pinatay ni Alex ang kanyang cellphone matapos marinig ang balita tungkol sa pagka aresto ng ama ni Ciara sa kasong sexual assault na ibinunyag ni Tristan sa ospital kamakailan lamang.
Hindi makapaniwala si Alex sa kanyang narinig noong araw na iyon mula kay Tristan. Matapos mabugbog ni Mr. Santiago ang kaibigan, at dumating ang mga pulis ay isiniwalat ng binata ang sikreto ni Mr. Santiago.
Mabuti na lamang at may proof si Tristan sa nakakasukang krimen na ginawa ni Carlos sa sariling anak. Mula kasi ng maikwento ni Ciara kay Tristan ang nangyari sa kanya ay gumawa sila ng sikretong plano. Naglagay ng hidden camera si Ciara sa kanyang kwarto kung sakaling maulit muli ang panggagahasa sa kanya ng sariling ama. At hindi din nagtagal ay naulit nga itong muli nang magkaroon muli ng event sa kanilang mansion, dahilan upang umuwi si Ciara doon ng parehong araw.
Kuhang kuha sa hidden camera ang biglaang pagpasok ng ama ni Ciara sa kanyang kwarto, habang siya ay natutulog. Kita dito ang pamimilit ng ama at nang pumalag ang dalaga ay marahas siyang sinampal ng ama. Wala tuloy nagawa ang dalaga kundi ang sumuko at hayaang gawin ng ama ang maitim na balak.
"His own fucking daughter..." Tanging nasambit ni Alex habang tulala itong nakatitig sa mga pulang rosas na namumukadkad sa kanilang hardin.
"He's a well respected man, known for being a successful businessman and a family oriented person...tapos ginanito niya si Ciara. How fucked up can that be? I feel so ashamed na wala tayong ka alam alam sa nangyayari sa kaibigan natin." Malungkot na sabi ni Quinn na nakaupo sa couch habang naka akap sa kanyang mga tuhod.
"He deserves to rot in hell." May galit na sambit ni Alex habang tulala pa rin itong nakatitig sa mga rosas.
Nasa hardin ngayon ng mansion nina Alex ang dalawang magkaibigan. Dumalaw si Quinn sa kaibigan dahil sa bigat ng kanyang nararamdaman. Parang panaginip ang lahat ng nangyayari. Mula sa pagkamatay ng kanyang mga kaibigan, hanggang sa mga rebelasyong halos makapagpabaligtad ng sikmura ng dalaga.
"I...I honestly don't know how I can move on from this, babe." Naiiyak na sabi ni Quinn kay Alex. Nilingon ni Alex ang kaibigan at kita nitong tumutulo na ang mga luha ng dalaga.
Lumipat ng upuan si Alex at tumabi sa kaibigan. Niyakap niya ito at dito na tuluyang humagulgol ang dalaga. Wala tuloy nagawa si Alex kundi ang himasin ang likod ng kaibigan dahil wala siyang masabing makakapagpagaan ng pakiramdam ng dalaga. Dahil sa totoo lang, ganito din ang kanyang nararamdaman.
Sa isip ng dalaga. Nangamatay na ang kanyang mga kaibigan, at tila pilit siyang pinapatay ng multo ng kanyang dating kasintahan. Hindi na tuloy niya alam kung ano ang gagawin. Tila wala na siyang mahihingian ng tulong kundi ang sarili na lamang niya.
"We'll get through this, Quinn." Mahinang sambit ni Alex at nang marinig ito ng kaibigan ay napahagulgol lamang itong muli. Sa isip niya, sana nga makayanan nila ang lahat ng ito.
Makalipas ang tatlong araw, nailibing na din ang kaibigan nilang si Ciara sa isang magarbong mosuleo sa kapatehong ekslusibong sementeryong kanilang pinuntahan noong nakaraang linggo lamang.
Hindi nakaligtas sa magkakaibigan ang masasamang tingin ng mga tao sa paligid. Sa isip kasi ng mga taong ito ay sinira ng magkakaibigang ito ang pamilya ng mga Santiago. Naniniwala silang walang kasalanan si Carlos sa ibinibintang nina Tristan at gawa gawa lamang ang videong kumalat sa media. Kaya naman walang nagawa ang apat kundi ang pumwesto sa likurang bahagi ng tent kung saan pare-pareho silang tahimik na nagluluksa.
BINABASA MO ANG
Alexandria (girlxgirl)
ParanormalMay mga taong bumabalik sa buhay natin dahil namimiss na nila tayo o gusto nila tayong makasamang muli. May mga taong bumabalik sa buhay natin dahil gusto naman nilang maghiganti. Pero paano kung ibang bagay o nilalang ang bumabalik sa buhay natin...
