Grabe talaga yang si Tristan. Wala na ba syang ibang alam na gawin kundi ang pakiligin ako?
Di pa din aki makaget-over dun sa activity na yun. Di ko naman kasi ineexpect eh.
Natapos ang first two subjects namin ng matiwasay and at last, recess na namin. Ugh. Gutom na gutom na kasi ako eh. Di lang halata sa katawan ko pero matakaw talaga ako.
Kasama ko si Scarlet papuntang canteen. Nagkukwentuhan lang kami sa subjects namin kanina.
Nang makarating sa canteen, andami kong binili. Chips, sandwich, cream-o at grape juice. Sabi sa inyo eh, gutom ako. Hahaha!
Umupo na kami sa vacant table sa may canteen. Konti lang yung mga studyante kasi karamihan nasa room.
Habang sarap na sarap ako sa pagkain, may tumatakbong lalaki.
At nang madaanan nya ang table namin, hindi sinasadyang mabangga nya ang edge ng table.
Causing the fvcking grape juice to spill onto my uniform.
What.The.Hell
Pero mas nagulat ako nung nakita ko kung sino ang nakabangga nun.
Si Tristan
Inasar sya ng mga classmatea namin.
"Hala ka Tristan. Yari ka."
"Nako Tristan. Si Tracy pa ang tinapunan mo. Tsktsk."
"Lagot ka Tris. Isusumbong ka namin sa papa ni Tracy."Nakita kong nag-iba ang itsura nya dahil sa pang-aasar ng classmates namin. Halatang kinakabahan sya.
Pumunta na lang ako sa cr. At sinubukang tanggalin ang mantsa.
And thank God, hindi naman namantsahan yung uniform ko.
Pagkatapos nung nangyari kanina, di ko na nakita si Tristan. Ni hindi nga sya nagsorry kanina eh. Bigla na lang syang umalis nun.
Habang nagfefacebook ako, biglang may nag-pm sakin.
Tristan Rodriguez
Uh, Tracy. Sorry talaga dun sa kanina. Hindi ko naman sinasadyang matapunan ka ng juice eh. Nagmamadali lang kasi ako nun. Tsaka sorry din kung di ako nakahingi ng sorry kanina sayo ng personal. Di ko kasi alam kung ano yung magiging reaction mo eh. Baka isnobin mo lang ako, o kaya mabadtrip ka lang lalo. Sorry na talaga.
-Tristan
Ah, kaya naman pala. Pero okay na din yun. Di ko din naman kasi alam kung paano ko sya haharapin kanina e. Hindi nga ako makapagsalita ng maayos kapag kaharap sya. Siguro okay na din na ganun.
Hindi pa siguro eto yung right time para makausap ko sya. Hindi pa ako ready na makausap sya ng personal.Yung di nauutal, kumportable at cool lang. Pero I hope na makakaya ko din yun someday. :)
---------------------
![](https://img.wattpad.com/cover/16188156-288-k607804.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Always Here For You
Teen FictionMinsan hindi natin maiiwasan na magkagusto sa isang tao. Maybe we're just attracted to them. But she felt something different when she's with him. The question is, would he give the same love to her? Masakit man para sakanya na hindi masuklian ang p...