1 YEAR LATER .......
"Hello Class! Welcome to this new school year. I hope that will have a good start. Enjoy being with your classmates. Goodbye." sabi ng adviser namin. "Goodbye and thank you Mr. Salcedo." at umalis na ang adviser namin.
"Uyy Tracy! Musta na? Nasa kabilang section ba si Elle?" tanong ng kaibigan kong si Kate. " Ah oo eh. Nasa kabilang section sya. Nakakalungkot nga eh." sabi ko. Well nakakalungkot naman talaga kasi wala na kong maingay na kasama. Mamimiss ko yung babaitang yun.
*BUGSH*
Nagulat kaming lahat ng makita namin ang isang lalaki sa may pintuan. Medyo messy ang hair style nya. Mukha din syang bagong gising. At nakasukbit sa isang balikat nya ang backpack nya.
Bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ko. Ohmyy. Ano bang nangyayari sakin?
Iniling iling ko na lang ang ulo ko dahil sa mga naiisip ko. Hay. Ano ba tong nangyayari sakin. Tsk. Ganun ba talaga pag crush mo sya? Pssh.
"Grabe ang pogi nya talaga."
"Oo nga eh. Kahit bagong gising ang cute padin."
"Yiie. Oo nga."
Grabe naman tong mga babaeng classmate ko. Nagbubulungan eh ang lakas lakas naman ng boses. Tsk. Nakita
kong umupo na sya sa bakanteng upuan dun kasama ang kaibigan nyang si Drake at Carlo. Kilala sila bilang BIG 3. Magkakaibigan sila simula pa ng bata pa sila. Kaya sobrang close na nila sa isa't isa.
- RECESS -
"Hi Bhestie! Uyy namiss na kita agad." sabi sakin ni Elle. Kasama nya si Agatha. Close friend din namin. Sila kasi ang magkaklase ngayon. "Namiss din kita bhestie. Tara punta tayo sa canteen. Nagugutom na ko eh." at naglakad kami papunta sa canteen.
Kaming dalawa na lang ni Elle ang magkasama. Nagpaalam kami kay Agatha. Sabi kasi ni Elle ay magmomoment daw kaming magbestfriend. kung anu ano talaga ang kalokohan nito.
"Uyy bhestie. Balita ko kaklase nyo daw si Tristan ah. Ahhhyyiiieee." sabi ni Elle na nagiging puso na ang mata. "Oo magkaklase kami. Late na nga sya pumasok eh. Buti nalang at first day kaya di sya napagalitan." pagpapaliwanag ko kay Elle. "Ah. So bhestie, di ko na pala kailangan iupdate ka lagi." sabi nya. " Di ko na kailangan yun. Tsk. Kung anu ano lang naman inaupdate mo sakin eh." Oo. Kung anu ano talaga. Sinabi nya kasi sakin kung ano yung favorite color, food, motto etc. Sinabi nya lang sakin ang mga sagot ni Tristan sa slambook. Haay.
*RIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGG*
Tapos na ang recess.
"Sige bhestie. Una na ko ah. :)" sabi sakin ni Elle. "Osige. Kita na lang tayo mamayang uwian."
At naglakad na ko papuntang classroom ng may makabunggo sakin.
"Ano ba! Tumingin ka nga sa dina-"
"S-sorry miss. Nagmamadali kasi ako."
Napatanga na lang ako nung marealize ko kung sino yung nakabunggo sakin.
************************************************************************************
A/N. UD agad. XD Salamat sa pagbasa at pagvote. Comment din. :)
-Hoishii<3
![](https://img.wattpad.com/cover/16188156-288-k607804.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm Always Here For You
Подростковая литератураMinsan hindi natin maiiwasan na magkagusto sa isang tao. Maybe we're just attracted to them. But she felt something different when she's with him. The question is, would he give the same love to her? Masakit man para sakanya na hindi masuklian ang p...