Ang buhay talaga natin ay parang gulong. May mga times na masaya, may times na malungkot. May times na nasa taas ka, may times din na nasa baba.
Hindi sa lahat ng pagkakataon lagi kang masaya. Kasi di maiiwasan na may dadating na problema.
Pero yung mga problemang yun ang magpapatatag satin. Ito yung magbibigay satin ng lesson para alam na natin ang dapat gawin sa susunod.
Hays. Ewan ko ba, ako pa ang napiling makaexperience ng ganito.
Yung bigla ka na lang naiwan. Ni hindi man lang nya sinabi yung dahilan nya.
Tapos malalaman mo na lang ngayon na masaya na sya sa iba.
May bago ng nagpapasaya sa kanya. And sad to say, na hindi na ikaw yun. Ang sakit lang.
Mahal kita Tracy. Mahal na mahal.
Totoo ba yang sinasabi mo? Baka nabibigla ka lang.
Hindi, mahal talaga kita.
Mahal din kita pero------------
Nakakainis. Tama nga yung sinasabi nila. Nasa huli ang pagsisisi.
Nagsisisi ako na kung sana sinabi ko din sa kanyang mahal ko sya, edi sana masaya kami ngayon.
Kung sana, hindi ako naging duwag na aminin sakanya yung feelings ko. Edi sana, ako pa din hanggang ngayon.
Kung sana, hindi ko tinuturn down yung mga possibilities na sinasabi nya, edi sana ako ang nasa tabi nya ngayon.
Ang daming what ifs. Pero may magagawa pa ba ako? Wala na. Kasi ngayon ang totoo, masaya na sya sa babaeng mahal nya......
AT HINDI NA AKO YUN.
--------------------
BINABASA MO ANG
I'm Always Here For You
Подростковая литератураMinsan hindi natin maiiwasan na magkagusto sa isang tao. Maybe we're just attracted to them. But she felt something different when she's with him. The question is, would he give the same love to her? Masakit man para sakanya na hindi masuklian ang p...