Chapter 12

19 0 0
                                    

Ang bagal ng oras. Haaay. Di ko alam pero parang ang tagal tagal lumipas ng oras ngayon. Tsk.

Ayun, as usual hindi ko pa din pinapansin si Tristan. Kaya nga minsan nagpaparinig na sya.
" Ang sunget talaga ni Tracy."

"Halos lahat na ng classmates ko kaclose ko samantalang ang tagal tagal ko ng classmate si Tracy eh di ko pa din sya makausap."

Sorry talaga Tristan. Nahihiya din kasi ako sa yo eh. Tsaka baka mahalata mo pa na gustong gusto kita tapos bigla ka na lang umiwas.

*********

Pero makalipas ang ilang months, mas naging close kami ni Tristan. Close kami, pero sa text lang. Syempre no! Di ko kayang sa personal.

Actually, ngayon ko lang nalaman na napakasweet at thoughtful talaga ni Tristan. Haha.

Nakakakilig nga eh, may bago kaming endearment. Ma/Pa. Hahaha! Parang magjowa lang. Lol.

1 Message Received
From: PaKO <3

Hi ma! Gabi na ah? Bat gising ka pa? Tulog na, may pasok pa bukas. :)

Ano ba yan. Nakakakilig. Hihihi. Ang swerte ko talaga sa PaKO. :">

To: PaKO <3

Opo, matutulog na nga ako. At saka ang aga aga ko ngang pumapasok e. Di tulad mo, lagi ka na lang late. Tsk. Lagi ka sigurong nagpupuyat no? Matulog ka na din!

-Message Sent-

From: PaKO <3

Hindi naman ako laging nagpupuyat. At saka may ginagawa kasi akong paperworks kaya late na ko natutulog. Haha. Opo, matutulog na ko. Sabi mo eh. Ayokong magalit sakin si Ma ko. :)

Oh my gosh! Hoooooh! Grabe, masunurin naman pala tong si Tristan eh. Very good.

To: PaKO <3

Okay. Dare ko, dapat pumasok ka ng maaga bukas. Bawal kang ma-late huh? Kapalit nun, papansinin na kita sa personal. =)

This is it. Kailangan ko ng maovercome yung hiya ko kapag nandyan sya. Mahirap din kasi para sakin. Pero di pa ko sure kung magagawa nya yung dare ko. Si Tristan pa eh lagi kayang late yan.

From: PaKO <3

Totoo ba yan ma? O sige sige! Game ako dyan. 6 am pa lang nasa school na ko. Abangan mo ko ah! Haha. Sige na ma, good night. Sleep dreams! See you tom. :)

Shucks! So ibig sabihin papasok nga sya ng maaga bukas? Wooow. Tignan natin, tignan natin kung magagawa mo talaga yan Tristan. Bwahahaha *evil laugh*

=KINABUKASAN=

Nagpahatid ako kay Ate Mae, kasambahay namin. Ang aga pa kasi eh, madilim pa sa daan. Walking distance lang kasi yung pagitan ng bahay namin at ng school. Konting tumbling lang, andun ka na.

Nang makapasok na ako sa room, nakita ko yung classmate kong si Faith. Kapitbahay ko lang yan kaya maaga din syang pumapasok.

"Hi Tracy! Himala ah. Naunahan kita ngayon. Hehe."
"Haha. Oonga no. Kasi naman, madilim pa kaya sa labas. Nagpahatid pa nga ko kay Ate Mae eh. Nakakatakot sa daan." Habang nag-aayos ng windows si Faith at ako naman ay nakarest lang sa armchair, nagulat kami ng may pumasok mula sa pintuan.

"Oh! End of the world na ba? Bakit ang aga mo ngayon Tristan? Himala ah! Anong nakain mo?" Sabi ni Faith. Tumawa lang si Tristan at pumunta na sa upuan nya.

Shit! So ginawa nya talaga yung dare na yun? Para pansinin ko na sya? Oh my god. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Grabe, pero sige. Kaya ko to. Ready na kong pansinin sya.

Lumapit sya sakin. Umupo sya sa armchair na nasa tabi ko.

"Good Morning Tracy. Uhhmm, may assignment ba tayo ngayon?"
"Ah-Uhh, wala naman. Pero may quiz tayo sa a-ano, sa uhmm math mamaya." Tracy, kalma. Wag kang magstutter sa harap nya. Para kang tanga.
"Ah sige. Thank you Tracy. Balik na ko sa seat ko."
"Uh sige. N-nno problem."

Waaah! Yes! Wooo. Nakaya ko! Nakaya ko syang kausapin. Kaso medyo palyado kasi nagstutter pa ko sa harap nya. Nakakahiya! Ugh.

---------------

I'm Always Here For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon