Chapter 17

14 0 0
                                    

A/N. Konting push na lang to. Juicecolored. Ang tagal tagal na neto sa isip ko. Kaso tinatamad lang ako magtype. Hahaha.

--------------------

Nakakagulat yung sudden change ng events. Kumbaga sa story, eto na siguro yung pinaka-climax.

Tapos susunod dun yung falling action. Untangling of events. Dun mo malalaman kung paano yung magiging ending ng story.

Kung magiging comedy ba o yung tinatawag nilang happily ever after. O yung tragedy, na once upon a time lang.

Eto na din yung malalaman mo kung magkakaroon pa ng sequel o book two yung story mo. O kaya naman, magiging open ended yun at hanggang dun na lang.

Kung tatanungin nyo kung ano ang gusto kong magiging ending ng story ko. Ang sagot ko, hindi ko din alam.

Oo, gusto ko maging masaya ulit ako kasama si Tristan. Pero natatakot ako na baka maging tulad lang ng dati yung pakikitungo ko sakanya. Natatakot din ako na baka hindi magwork pag kami.

Gustong gusto ko na maexperience ulit yung kilig moments namin ni Tristan. Pero natatakot ako na baka sa huli, magsawa lang sya sakin at iwanan ako.


2 years na ang lumipas at 4th year na kami ngayon. Magkakahiwalay na kami ng landas.

Aminado ako, hindi pa din ako totally na nakamove-on sakanya. Kasi naman, yung mga kaibigan ko. Di ko alam kung tinutulugan ba nila ako o ano. Kasi sa tuwing nandyan sya, inaasar pa din nila ako.

Lately ko lang din nabuhos yung sama ng loob ko. Kasi nalaman ko, sa isa nyang kaibigan na pinagpustahan lang daw nila ako. Eh gago pala sya eh.

Nakailang paliwanag ang ginawa nya sakin bago nya ako nakausap ulit ng maayos.

Kaya di pa talaga ako makamove-on.

Hanggang ngayon, buhay na buhay pa din yung convo namin.

Hanggang ngayon, di pa din matanggal sa isip ko yung mga memories naming dalawa.

At hanggang ngayon, mahal ko pa din sya kahit na may mahal na syang iba.

Sabi nga ng bestfriend ko at iba kong kaibigan, ako na. Ako na ang dakilang tanga.

Bakit ba? Eh sa mahirap talaga magmove-on eh. Hindi naman yun pwedeng biglaan na lang. Syempre gradual lang yun.

Kumbaga sa sugat, hindi naman yun agad-agad mawawala eh. Hindi in a snap wala agad.

Syempre kailangan pa nun maghilom. Matutuyo yung sugat. Sa una masakit pero pag laon, masasanay ka na lang hanggang sa wala ng sakit. Pero may maiiwan na peklat.

Bakas na nagsasabing minsan ka ng nasaktan. Na nagtuturo sayong tumayo ulit at matuto para hindi mo na maranasan ang sakit.

Hindi ganoon kadali ang pahilumin ang sugat. Kaya thankful ako sa mga taong nakapaligid sakin. Dahil sila ang tumutulong sakin para mapadali ang pagmomove-on.

------------------------

I know, bitin. Hahaha. =) Sorry. Mas bitin pa yung susunod na chapter eh. Lol. Ang spoiler. Takte. So ayun, hanggang 20 chapters lang to. Thanks for reading. :*

I'm Always Here For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon