Nakakagulat talaga yung ginawa ni Tristan. Hindi ako makapaniwala na kaya nyang pumasok ng maaga para lang pansinin ko sya.
Kaya naman, nangyari ulit yun. Again. Pumasok ulit sya ng maaga. This time, kami pa lang dalawa sa room.
Nakarest lang ako sa armchair ko. Ayoko din kasing magsalita. Less talk, less mistake. Haha. Kaya mas pinili ko na lang manahimik. Habang sya naman nasa upuan nya din. Hindi ko sya matignan kasi ang awkward nun. Baka makita nya pa kong magblush dahil sa kanya.
Hanggang sa unti unti ko na lang naramdaman na may papalapit sakin. Naramdaman ko na tumabi sya sa upuan ko.
Eh tapos hindi ko naman nasakop ng buong braso ko yung armchair so ibig sabihin may space pa.
At nagulat na lang ako ng naramdaman kong dun din sya nagrest sa armchair ko. Shutanginamels. Ano baaaaaa! Breathe in, breathe out. Wooooh! Heart, kumalma ka.
Parang aatakihin na ko sa sobrang kilig. Gusto ko ng sumabog sa sobrang kilig. And for sure, mas mapula pa sa kamatis ang mukha ko ngayon.
Ano ba naman kasi tong si Tristan. Grabe magpakilig. Parang effortless lang sakanya magpakita ng ganitong intimacy. Samantalang ako, kulang na lang eh maglupasay sa sobrang kilig.
We stayed like that in 5 minutes kasi after nun, isa isa na ding nagsisipasukan yung mga classmates namin. Gulat na gulat nga sila ng makita si Tristan eh. Sabi nila na baka may sumapi daw na kung ano sakanya kaya sya maaga pumapasok. Mga baliw talaga.
----------
BINABASA MO ANG
I'm Always Here For You
Teen FictionMinsan hindi natin maiiwasan na magkagusto sa isang tao. Maybe we're just attracted to them. But she felt something different when she's with him. The question is, would he give the same love to her? Masakit man para sakanya na hindi masuklian ang p...