Chapter 1

54 1 0
                                    

Tristan Rodriguez.

Tristan Rodriguez. .

Tristan Rodriguez. . .

Nasa kasagsagan ako ng pagdidaydream ng bigla nalang akong gulatin ni Ella.

"HOOOOOOY!"

"AY PALAKANG BUNDAT! Grabe ka naman Elle. Wag ka namang mang gulat pwede?" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.

"Eh ano ba kasing iniisip mo dyan? Lunch na bhestie. Gutom na ko." Nagpout pa ang bruha. Tsk.

"Wala wala. Sige tara na." At naglakad kami papuntang canteen.

Nilagay ni Elle ang kamay nya sa noo at leeg ko para icheck kung may lagnat ba ko. "Wala akong lagnat Bhestie. May naalala lang ako. OA mo naman."

"Sino ba kasi yang naalala mo? Si TRISTAN ba? Ayiee." Tsk. Nakuha pang mang asar netong babaeng to. pssh.

Oo nga pala. Ako si Trisha Cylienne Villareal. Tracy ang nickname ko. Sabi nila ako daw ay tahimik, masungit, matalino, mabait at maganda. Oo alam ko sa sarili ko na may pagka introvert ako. Di naman ako anti-social pero di lang talaga ako ganoon ka friendly. Sya nga pala, yung bestfriend ko ay si Christelle Camille Blancaflor. Sya ang opposite ko. Friendly sya, masayahin, medyo chubby pero sabi nya yun daw ang bagong sexy. Matalino din sya at mabait. Kaya hindi sya nahihirapan na makipagsocialize dahil may pagkamadaldal sya. Di ko nga alam kung bakit ako nakakatagal sakanya eh. De joke lang pero mahal na mahal ko yan.

So ayun na nga. Nakarating na kami sa canteen. "Bhestie, may ipapabili ka ba?" Naupo ako sa isang table sa loob. "Uhm. Bilihan mo na lang ako ng sandwich tsaka tropicana." sabi ko nalang sakanya. Iniwan nya na ko para pumunta sa counter. Ako naman ay nag-ayos ng aking sarili. Tumingin pa ko sa paligid ng makita ko ang isang lalaking naglalakad papalapit sa canteen. Nalaglag ang panga ko nung makita ko sya.

Nag slow-mo ang paligid ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Grabe, yung pag-ayos nya ng buhok nya, lalong kumabog ang puso ko.

Si TRISTAN RODRIGUEZ.......

************************************************************************************

Pagpasensyahan nyo na po. First time ko po kasi magsulat. Although madami na kong nasulat dati, di ko naman yun natutuloy dahil sa wala talaga ako sa mood magsulat. Reader lang kasi talaga ako eh. Haha. Thanks for reading. Comment na lang din po sa may gusto.

Lovelots :*

I'm Always Here For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon